CHAPTER 3.20

22 4 1
                                    


PALINGA-LINGA si Seraphiel habang hinahanap kung saang silid ba ikinulong si YiHan. Ilang taon na ba siyang wala sa serbisyo? Marami na'ng nabago sa CIC office kaya hindi na niya matukoy kung nasaan ang iba't ibang lugar, bagaman inuna niyang tunguhin ang basement dahil doon inilagay ang laboratory.

Pagbukas niya sa isang pinto ay may nakabungguan pa siya. Alerto agad niyang itinutok dito ang baril pero napahinto agad siya nang makilala kung sino iyon.

“Barton!” bulalas niya, “ano ba'ng nangyari sa 'yo? Ba't... Ba't ganyan ang itsura mo?!”

Namumutla at habol ni Knox ang hininga pero dilat na dilat naman ang mga mata nito. “An-ano'ng nangyari, Seraphiel?” tanong nito.

Umiling-iling siya at hinila na lang ang braso nito. “Ewan ko sa 'yo. Halika, hanapin natin si Ythuriel.”

“Ythuriel... oo, si Ythuriel!” At pinilit nitong bilisan ang mga hakbang para hanapin ang nawawalang kasama.

Pasakay sana sila sa isang elevator nang biglang yumanig ang buong paligid, dinig na dinig nila ang mababangis na ungop ng mga Level 10.

“Napasok na ng Level 10s itong—”

“Hindi, pinakawalan na nina Aster ang mga Level 10 na nakakulong dito para lituhin ang synthetrons,” paliwanag ni Seraphiel.

“Level 10s? Dito sa building?”

“Oo nga—”

Napatabi sila nang pagbukas ng elevator ay mga synthetron ang nagsilabasan mula roon. Hindi yata sila napansin o hindi na lang pinansin dahil kumalat na ang mga ito sa iba't ibang direksyon.

Nagkatinginan ang dalawa bago sumakay sa makinarya at pinindot ang sunod na palapag.

Ilang segundong walang kibuan ang dalawa habang tumutugtog mula sa pipe in music ng elevator ang isang lumang awitin.

🎼wise~ men~ say~
Only fools~ rush~ in~
For I~ can't~ help~
Falling in love~ with~ you~

Pagbukas ng pinto ay tumakbo na sila palabas at muli'y hinanap si Ythuriel. Marami silang nasalubong na empleyado at siyentipiko na kanyanan rin ng takbuhan.

“Nasaan sina Iris?” tanong ni Seraphiel.

Napatanga si Knox bagaman patuloy sa pagtakbo. “H-hindi ko alam, w-wala akong matandaan, basta—”

“Badtrip naman, o! Bilisan na lang natin at nang mahanap na natin ang mga 'yon!” bulyaw ng napikon na Arkanghel...

PASILIP-SILIP sina Iris, Tina at Jessa sa salamin sa pinto. Kanina pa sila nakakaramdam ng mga pagyanig, ngayon naman ay nakikita nila mula sa salamin ang mga nagtatakbuhang tao.

“Hey!” Kinalampag ni Iris ang pinto. “Pakibuksan naman, please!”

“Tulong!” sigaw rin ni Jessa, “may mga tao po rito sa loob!”

“Tumabi kayo!”

Napalingon ang dalawa kay Tina. Napasigaw na lang ang mga ito sabay iwas nang biglang sugurin ni Tina ang pinto habang hawak ang upuang bakal.

Pero wala ring nangyari sa pagkakahampas ni Tina, maliban sa nagasgas ang salamin.

“Wala pa rin?” hinihingal na wika ni Tina.

“OA naman sa tibay ang pinto na iyan,” komento ni Jessa. “Para namang Level 10s tayo.”

“What do you expect sa Office of the CIC 'di ba?” sabi naman ni Iris.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon