CHAPTER 2.15

62 6 2
                                        

HABOL ang hininga ni YiHan nang matumba siya sa gilid ng isang creek. Pagod, gutom, mga sugat. Hindi na niya kaya, nadisgrasya siya nang husto nang balikan niya si Nivla sa loob ng Stravos. Inabot sila ng pagsabog at parehong sugatan. Pero bukod sa pisikal na pinsala ay mukhang nagkalamat din ang katinuan ni Nivla.

Hindi yata nito kinaya ang mga naganap na delubyo kung kaya't nagsisigaw ito at nagwala paglabas nila ng facility. May malaki itong sugat sa balikat ngunit hindi nito iyon ininda. Bagkus ay tawa lang ito nang tawa at tumakbo palayo, hindi na niya alam kung saan ito nagpunta dahil mabilis itong nawala kahit pa nga duguan at sugatan.

Tinangka niya itong sundan sa pamamagitan ng amoy nito, pero sa bilis ay tuluyan na itong nawala. Nangangamba siya para sa kaligtasan nito, sa ilang oras o araw ay maaaring maging Level 10 na si Nivla, siguradong papatayin ito ng makakakita rito.

Napaubo siya. Ilang araw na ba siyang palaboy-laboy? Nakatakas nga siya sa Stravos, mukhang sa kalye naman siya hindi makakaligtas.

May naamoy siyang usok ng sasakyan, pagkatapos ay lumitaw sa di-kalayuan ang mga naglalakihang truck na may logo ng isang cowboy na may puting pakpak, may malalaking letra na nakakurba sa uluhan nito;

†† ★ÄRK- ‚ĀN-JELS★ ††

Hindi niya kilala ang logo, pero sigurado siyang hindi taga-gobyerno ang mga ito.

Sinubukan niyang tumayo at kinawayan ang mga ito. "T-tulong po! TULONG!"

Tumigil naman ang nangungunang truck na sa bandang itaas ay may nakasulat na pangalan ng babae. Arielle. Mula roon ay bumaba ang dalawang lalaki na longhair at nakacowboy attire. Nilapitan siya ng mga ito.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ng isa sa mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ng isa sa mga ito.

Hindi niya mamukhaan ang mga ito dahil nakatalikod sa sikat ng araw, isinasayaw ng hangin ang mahabang buhok ng mga ito.

"T-tulong po," aniya bago nawalan ng malay.

*********

Iyon na yata ang pinakamasarap at mapayapang tulog ni YiHan sa buong buhay niya. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay napansin niyang umuugoy ang ilaw sa kisame. Noon niya naisip na—

"Nasaan ako?!" Napabalikwas siya ng bangon.

"Dahan-dahan lang," anang isang tinig.

Isang lalaking longhair ang nakita niyang pa-dekuwatrong nakaupo sa isang sulok habang nagbabasa ng magazine na ang cover ay hubad na babae.

"S-sino po kayo? Nasaan ako?" tanong niya.

"Ako si Mikhail, narito ka sa Janelle, ikaw anong pangalan mo?" tanong din nito.

"A-ako po si Hansel. Y-yung Janelle, ano pong J-Janelle?"

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon