CHAPTER 2.9

69 5 0
                                    

MARAMI sa mga casualty ay empleyado, kaibigan o kaanak ng mga taga-Stravos, galit na galit sila, kahit pa nga napatay namin karamihan sa mga mutated subjects ay hindi sapat iyon para pakalmahin sila, may mga nadakip kami at ikinulong sa Plane 0, sa ngayon, kagaya mo ay pinag-aaralan din sila.

Lalong magiging mahigpit ang pagbabantay sa 'yo, pinalitan nila kami ni Marco dahil alam nilang malapit ka sa 'min, patawad YiHan, hindi na kita maipagtatanggol. Maging matatag ka na sana sa kabila ng mga tumitinding pagpapahirap sa 'yo.

At... Ikinalulungkot ko, ngunit mukhang malayo na kayong magkitang muli ni Jasmine...

Nivla

"H-halimaw! Halimaw!"

"Call all Synthetrons!"

"Silence! Kumalma kayo! Ito ang hinihintay natin!"

Nakatitig sa mga tao sa labas ng chamber si YiHan. Alam niyang nagbago ang kaniyang anyo, gaya ng sinasabi ni Nivla.

"Turn the core off," ani Dr. Coolidge.

Nawala ang nakangingimay na kuryente. Kalmado pa rin siya, ngunit naiiyak talaga siya, nakikita niya kasi sa salamin ang reflection niya, ganito rin kaya ang itsura ni Jasmine?

"Jasmine..."

Napangisi si Dr. Coolidge. "Well, hello, YiHan version 2.0..."

KAAGAD na kumalat sa loob ng Stravos ang balita ukol sa kakaibang kakayahan ni YiHan. Nagmistula siyang payaso na pinagkakatuwaan ng mga scientists.

Isang mala-Hulk na halimaw na hindi gaya ng mga nauna nitong kauri na nananakit at kumakain ng tao.

Si YiHan, kalmado at nakakausap ng matino. Hindi nagwawala at nananakot. Para lang isang malaking tao na may kakaibang anyo.

"We should keep this a secret," ani Dr. Hakudo habang pinanonood sa treadmill si YiHan.

Humalukipkip si Dr. Coolidge. "I agree, tiyak na maraming makikisawsaw sa discovery nating ito."

"Tama, but... We can't keep something like him from the general public for a long time, kailangang humanap tayo ng paraan na maibalik siya sa pagiging tao, as well as the other test subjects."

"Have you heard the news?" pag-iiba ng topic ni Dr. Coolidge.

Nilingon ito ni Dr. Hakudo. "What news?"

"Well, a lot of private security groups are rising, isa sa pinaka-in demand ang tinatawag nilang Archangels. Isang grupo ng mga mersenaryo na handang makipagpatayan sa mga aswang kapalit ng pera."

Napangisi si Dr. Hakudo. "Oh, the Archangels... Narinig ko na sila, they even claim that they can stand against those monsters, e, 'di tingnan natin."

"But Mr. CIC himself is against those groups, masyado raw kasing delikado para sa mga pangkaraniwang tao lang, nagkakaubusan na rin ng Synthetrons..."

"Hmmmm... Malaking problema na pala talaga ang security natin, my son was once a party goer, pero simula nang kumalat ang mga halimaw na 'yan, hindi na siya nagpapagabi sa labas."

"Oo nga, kaya hindi na rin kataka-taka na bumubuo na ng elite troops ang Department of Defense para manguna sa pagsugpo sa mga salot na aswang at mutated cancer survivors." Binuklat ni Dr. Coolidge ang isang notepad at nagsulat doon habang pinapanood si YiHan.

"Napakalaki na nga ng ipinagbago ng bansa, biruin mo, ang military training, e six months na lang."

"We are short in manpower, that's why, kaya dapat talaga, e makahanap tayo ng paraan para maibalik sa normal ang mga yan..."

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon