Chapter 9

87 6 0
                                    


"AH ITO? W-wala, nagasgas lang kanina nung accidentally akong tinamaan ng cat'o'nine tails, gagaling din agad 'to," nakangiting tugon ni Ythuriel.

Tumango si Kinuel at muling nilingon si Abigail, nakatingin ito kay Ythuriel sa paraang hindi nya mawari, parang may balak pa itong lapain ang kasama nya. Pinukpok nya ng rifle butt ang selda nito. "Hoy! Anong iniisip mo r'yan, ha? Are you planning to have a feast on that boys body? Tumigil ka, kung hindi ako mismo ang hahataw sa 'yo."

Ngumisi lang ito, pagkatapos at pagapang na lumapit sa kanya. "Mukhang nagbago ka na talaga, Hetero—"

"Kinuel ang pangalan ko—"

"Ang sabi mo dati, ikaw si Knox Barton, ano ba talaga? Naguguluhan na 'ko sa inyong dalawa ni Synthy," nakakaloko ang ngisi nito.

Iba sa Abigail na bungangera ang kaharap nya ngayon, kung sabagay, aswang ito. "Wala kang pakialam, baka nalilimutan mong bihag ka namin, kung gusto kitang patayin eh kaya ko—"

Tumawa ito nang malakas, nakakabingi ang halakhak ng matinis na boses nito. "Pwede mo nga siguro akong patayin, pero hindi sa ngayon, dahil kailangan nyo pa 'ko. At saka... Sige, patayin mo 'ko, hindi ko sasabihin sa'yo ang nalalaman ko, tungkol sa mga tinatawag mong Archangels," makahulugan nitong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinalikuran na sya nito at tumawa nang tumawa habang unti-unting bumabalik sa dating anyo. "Ayokong sabihin sa'yo, KINUEL, wala akong tiwala sa'yo, Kay KNOX BARTON ko lang sasabihin ang napakahalagang impormasyon na nalaman ko."

Nang gabing iyon ay nag-volunteer si Kinuel na sya muna ang magbabantay sa perimeter na ginawa nila, kasama nya si Roue—este, si Riouel pala.

Habang nag-iikot ay tsumempo sya na mapalayo sa iba pang Archangel na bantay rin, nilapitan niya si Riouel.

"Yo'," bati niya rito.

"Yo'," tugon nito.

"Kamusta?"

Lumingon ito sa kanya. "Maghapon at magdamag tayong magkakasama, and you're asking me that? Can't you see?" Ibinuka pa nito ang mga braso para ipakitang ayos lang ito.

He smirked. "What I mean is, kamusta ka rito? Kamusta ang pagiging Archangel?"

Tumingin ito sa malayo at nagkamot ng batok. "Makati pala kapag longhair, pa'no natitiis ni ND yung buhok niya?"

"Hindi ka lang sanay, ganyan talaga ang rules ni Mikhail, an Archangel must keep his hair long, kaya masanay ka na sa extensions mo."
.
.
.
,
.
.
.
"Captain, bakit ba tayo andito?" mayamaya'y tanong nito.

Lumingon siya sa direksyon nina Jophiel. "I told you, we need to avenge our teammates death, at magagawa lang natin 'yon kung babaliktad tayo ng grupong aaniban."

Hinipan ni Riouel ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa mukha nito. "Alam mo Cap, natutuwa ako at nagkaroon tayo ng panahon na makapag-usap nang sarilinan ngayon. Matagal ko nang gustong magsalita, but I couldn't get the chance dahil laging nasa tabi-tabi ang mga 'yan." Inginuso nito sina Jophiel.

"Ano 'yon?"

Nagpalinga-linga ito at pasimpleng pumwesto sa likod nya at bumulong. "Ang mga dugo at laman sa RV, hindi kina Iris 'yon."

Hindi sya nagpahalatang nagulat. "Ano pa?"

"Sa ibang tao 'yon," dugtong nito. "Nalaman ko thru the teams data na naka-encode sa internal memory ko, the DNA's didn't match with our teammates, pero galing din sa tao."

Nanigas ang kanyang panga. Ang alam nya ay mga aswang at Level 10 lamang ang pinapatay ng Archangels, nasa code of conduct nila iyon. Hangga't maaari ay wala dapat human casualty. Pero ano bang malay nyà, limang taon siyang nawala, baka mas coldblooded na ang mga ito ngayon.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon