SINUSUBUKANG iligtas ng mga nakakita sa nangyaring banggaan ang mga pasahero ng dalawang sasakyan, mabilis ang kilos ng mga rescuers dahil sa nagkalat na dugo ng mga sugatan, nangangamba ang lahat na maamoy iyon ng mga Level 10.
Isang longhair na lalaki ang unang nailabas mula sa RV, may malay ito ngunit nanghihina.
"Sir? Sir, magsalita po kayo, sir 'wag kayong matutulog," ani Jessa, isa sa mga medic.
"K-Knox..." anas ng lalaki na inihiga sa stretcher.
"Knox? Yun ba ang pangalan n'yo—" Humawak sa braso ni Jessa ang lalaki.
"S-sina Knox... V- volsungga... Tu-tulong—" anito bago tuluyang nawalan ng malay.
Napailing si Jessa habang itinutulak ang stretcher. Naguluhan s'ya sa sinabi ng lalaki, ang dalawang babae na kasama nito ay nakuha na rin at parehong walang malay.
Sa Hummer naman ay isang babae at isang lalaki na wala ding malay ang nakuha. Lumapit sa kanya ang isang may-edad na lalaki na isa sa mga unang nakakita ng banggaan.
"Ma'am, excuse me, pero narinig kong nabanggit nung lalaki ang Volsungga"
Tumango si Jessa. "Opo, may sinabi s'ya. Knox. Volsungga. Tulong. Ganoon po."
Natahimik ang lalaki, pagkatapos ay yumukod at umalis.
"Ms. DePaz, may isa pong namatay sa mga sakay ng Hummer," anunsyo ng isa pang medic.
"Is that so? Bilisan na natin, hapon na, the stench of blood and death will intensify the Level 10s craving, siguradong naaamoy na nila ang mga ito," tugon ni Jessa.
"Sige po, sa armored jeep na po namin isasakay yung namatay." Tumalikod na ang medic at muling tumulong sa iba pa.
Nagmando pa si Jessa sa mga naroon, kailangan nang malinis ang mga sasakyan, ito-tow nila iyon patungo sa garahe ng mga wrecked vehicle. Dapat ay wala nang amoy ng dugo ang mga iyon dahil susundan sila ng mga Level 10. Iiwan naman nila an ilang patak ng dugo sa kalsada para doon mabaling ang atensyon ng mga ito.
"Guys, OK na ba tayo? We have to go," anunsyo niya, at sumakay na sa ambulansya. Tiningnan n'ya ang mga ID na nakuha mula sa mga biktima.
Mariz Cabanillas
James Jin
Neodymium X
Iris Cruz
Tina Saunders***
VOLSUNGGA REGION 1723HOURS
INIHAHANDA na nina Knox ang kanilang mga armas. Alas-singko na, sa panahong iyon, dumidilim na ang kalangitan ng alas- singko.
"Wala pa ba kayong balak umalis? Hindi kayo sasantuhin ng mga Level 10... Ganoon din ako, kaya pakawalan n'yo na 'ko at magkalimutan na tayong tatlo."
Hindi pinansin ni Knox at Roue si Abigail, abala ang dalawa sa pagche-check ng mga kagamitan nila, pagsusuot ng mga military gadgets at pagpapalagutok ng daliri sa kamay.
"All set?" tanong ni Knox habang pinagkikiskis ang mga kamay na naka-gloves.
Tumango si Roue at tumayo. "All set."
"Hoy, anong all set? Hetero, Synthy, anong balak n'yo?" muling ungot ni Abigail.
Napangiwi si Knox sa tawag sa kanila ni Abigail, obviously eh napikon din si Roue, kaya bago pa nito patulan ang babae, ay nilapitan na n'ya ito para kalasin ang posas. "We have to go, mukhang malabo ang party na inaasahan namin, I don't know, what the hell had happened, pero wala yatang darating, now, off you go, Ms. Aswang."
Hindi agad nakahuma si Abigail nang pakawalan s'ya ni Knox, kanina ay atat na atat s'yang makaalis, ngayon naman ay parang gusto na lang n'yang sumama sa mga kinabubwisitang sundalo. "Aalis na kayo? P-pa'no 'yan?" Itinuro n'ya ang bangkay.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
מדע בדיוניIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage