Chapter 7

85 6 1
                                    

ITINUTOK ng mga Legolas men ang baril ng mga ito kina Tina, napaatras sila.

"Ibigay n'yo sa'min ang babaeng 'yan. Mapanganib s'ya," anang pinakamatangkad sa tatlo.

Itinulak ni James ang babae. "Oh, ayan, inyo na. Hindi kami interesado sa kanya, pakibaba na ang baril n'yo."

"Ano?! Hindi n'yo man lang ako tutulungan?!" sigaw ng babae.

"Miss, ano bang nagawa mo—"

"Pabayaan mo siya , Jessa, wala tayong pakialam d'yan—"

"ND?!"

"Sige na, mga sir, kunin n'yo na—"

"Uy! Bumalik ka rito!"

Humabol agad ang mga lalaki, pero mabilis na nawala ang misteryosang babae.

"Grabe ka, ND, wala ka man lang concern sa babaeng 'yon?" ani Iris.

Isinukbit lang ni ND ang baril nito. "Wala naman tayong mapapala kung sasawsaw tayo sa gulo ng mga 'yun. Mag-focus tayo sa mission, hindi sa kung sino-sinong estranghero."

Lumakad na nga sila sa loob ng facility...

Pakiramdam ni Iris ay bumalik sya sa panahon kung saan aktibong scientist pa sya sa Stravos. Noong pinag-aaralan pa nila ang mga aswang, sampung taon na ang lumipas.

Kaga-graduate nya lang noon as a virologist, she's the top scorer among the other examinees of the licensure exams for their field, hindi na nya kinailangan pang maghanap ng trabaho dahil iyon na mismo ang lumalapit sa kanya. Sa dami ng laboratoryong naghabol sa kanya, ay ang Stravos ang kanyang napili.

Kontrobersyal ang Stravos dahil sa mga aktibidad nito, marami ang tumutuligsa sa mga mapangahas nitong pag-aaral, gaya ng Project: Synthetron, pero marami ring pumupuri dahil sa tulong nito sa sangkatauhan. Lahat na yata ng kilala n'yang siyentipiko ay gustong makapasok sa Stravos at maging parte ng kasaysayan sa mga bagong proyekto nito.

Nang pag-aralan ang mga aswang at nagsimula ang research ay matagal na siyang miyembro ng Stravos, ngunit hindi siya nakasama sa research team ng Project: Aswang vs. Syntheyron dahil umalis na siya sa facility sa isang personal na dahilan.

Umanib siya sa isang grupo ng mga independent virologist na nag-aaral din ukol sa mga aswang, isa sya sa mga eksperto na nagdeklarang ligtas ang V10 vaccine. Kung kaya isa rin sya sa dapat sisihin sa pagkalat ng mga Level 10.

Totoong ligtas ang V10, malinis ang cells ng mga aswang, sa lahat ng studies at test subject nila ay walang naging negatibong epekto ang gamot, noo'y pinangangambahan na baka mahawaan ng pagiging aswang ang mga gagamit ng gamot. Pero hindi. Talagang ligtas ito, Ayon sa kanilang pag-aaral... Kung kaya laking gulat nila nang maganap ang kaguluhan sa Break Out Point...

Pagkatapos ng insidenteng iyon ng transformation ng Cancer patients ay nag-resign sya sa trabaho, hindi nya kinaya ang sobrang guilt. Pag-alis nya ay tsaka naman natuklasan ang tungkol kay PX670-352...

Ilang buwan after umpisahan ang Project: YiHan ay in-offer-an s'ya ng isang kaibigang hotshot Army General na sumali sa binuo nitong team ng hunters, taliwas sa pinag-aralan nya ang offer nito, ngunit hirap na hirap syang humanap ng trabaho dahil makita pa lang ng mga kompanya na galing sya sa Stravos ay inaayawan na sya. Wala sa isip nya na maging Level 10 hunter kahit kailan, ngunit dala ng pangangailangan, tinanggap nya ang trabaho.

Hindi naman nya pinagsisihan ang lahat. Sa tatlong taon na kasama nya sina Knox ay maayos ang samahan nila kahit na minsan ay magulo sila. Close silang lahat. Dumating pa sa punto na naging mag-on si ND at Cattleya, kahit silang dalawa ni Knox ay nagkaroon ng unawaan, pero dahil mas importante para sa kanila ang trabaho, walang nangyari sa unawaang iyon. Hanggang sa mamatay na ang lalaki...

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon