"ANO? 'WAG NA KAYONG TUMUNGANGA D'YAN, MOVE!" utos ni Knox sa mga kasama n'ya.
Umiling si Iris, "HINDI PWEDE, LALAPAIN KA—"
"KUNG HINDI PA KAYO AALIS NGAYON, TALAGANG LALAPAIN AKO NG MGA LEVEL 10—"
"HINDI KA NGA KASI NAMIN IIWAN DITO! HINDI KAMI PWEDENG UMALIS NA WALA KA!" giit ni Roue.
"YEAH, THE SYNTHETRON'S RIGHT!" sigaw rin ni ND. "IKAW ANG CAPTAIN NAMIN KAYA DAPAT LANG NA HINDI KAMI KUMILOS NANG WALA KA!"
"I AM THE TEAM CAPTAIN, AND I COMMAND ALL OF YOU TO LEAVE AT ONCE! ASK FOR BACK UP TO PICK ME HERE WITH THIS SPECIMEN!"
"KNOX—"
"THAT'S AN ORDER!"
Walang nakaimik sa tinuran ni Knox, nagpasa-pasa lang ng tingin sina Iris, Tina, at ND. Pero hindi pa rin sumusuko si Roue.
"MAUNA NA KAYO GUYS." Naba-badtrip na rin s'ya sa kasisigaw sa mga kasamang bingi.
"ROUE, I DON'T THINK I MADE MYSELF CLEAR?! ALL OF YOU, LEAVE—"
"TAO KA LANG! ANONG LABAN MO SA MGA HALIMAW RITO?! I'M A SYNTHETIC HUMAN, I CAN KEEP UP A GOOD FIGHT AGAINST THEM WHILE YOU CAN'T! KAILANGAN MO AKO NGAYON PARA MABUHAY!"
Lalong walang nakaimik dahil sa sinabi ni Roue, hayagan lang naman nitong hinamak hindi lang ang kanilang team leader, kundi ang pagiging normal na tao nito. Nila.
At mukhang na-sense ni Roue na nakasaling s'ya ng damdamin. "OH, PUHLEASE, 'WAG NA KAYONG MAG-INARTE D'YAN, I'M JUST STATING A FACT, TALAGA NAMANG MAS MALAKAS ANG SYNTHETRONS SA MGA TAO—"
"ROUE'S RIGHT, MAIIWAN S'YA RITO WITH ME, WHILE THE THREE OF YOU, GET BACK TO THE RV, CONTACT THE CIC'S OFFICE, ASK FOR A VEHICLE THAT'LL TRANSPORT THIS SHIT. NEODYMIUM."
Tumayo nang tuwid si ND. "YES CAPTAIN."
"IKAW NA MUNA ANG BAHALA KINA IRIS, BILISAN N'YONG BUMALIK."
Sunod-sunod na tumango si ND, matapos ang ilan pang bilin ay lumarga na rin ang tatlo.
Naiwan si Roue at Knox na nakaupo sa isang malaking tipak ng semento na nakaharap sa magkaibang direksyon para makita nila kung may parating na panganib.
"Ang laki ng isang 'to..." bulong ni Roue habang nakatingin sa Level 10.
"Sa palagay mo, si YiHan ba talaga 'yan?"
Nilingon ni Roue si Knox. "Narinig mo 'ko?"
"Uh-hmm, sanay na yata ang tenga ko sa mga pagsabog."
Tumango-tango s'ya. "Hindi rin ako sigurado kung si YiHan nga ito, according to the intel, PX670-352 is a strong specimen, I can't believe na mapapabagsak lang s'ya ng simpleng pagsabog.
"Exactly my thoughts," tugon ni Knox habang nagre-reload uli ng bala, just in case.
"Cap, pasensiya na sa nasabi ko kanina," wala sa sariling sabi ni Roue.
Knox smirked. "Sanay na kami sa'yo, "
Kinalkal ni Roue ang nasa bulsa ng Level 10, "Hindi ko sinasadyang maging... Masama ang ugali, it's just that—"
"Alam ko, marami akong nakasamang Synthetrons noon, all of them are grumpy as hell, at sinisisi nila ang kanilang mga ina."
Ang mga Synthetrons ay mga sanggol na hindi ginusto ng kanilang mga magulang, kadalasan ay anak ng mga teenagers na hindi handa sa responsibilidad o kaya'y mga ginang na sobrang dami na ng mga anak na hindi kayang buhayin. Bilang sagot sa pagbubuntis na itinuring na problema ay kumokonsulta sa Stravos Research Facility ang mga inang ayaw nang magkaanak, kapalit ang pera, ipinagbibili nila ang mga sanggol sa kanilang sinapupunan upang pag-eksperimentuhan.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science-FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)