CHAPTER 3.6

21 5 0
                                    


Umiikot ang paningin ni YiHan, nakikita niya ang nag-aalalang anyo ng mga kasamahan ngunit cosmic noise lang ang humahaging sa kaniyang tenga. Sa pagbaling ng tingin niya sa kanan ay nakita niyang nakatayo ang Kuya Renzel niya. May sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan. Itinaas niya ang isang kamay upang hawakan ito ngunit umatras ito hanggang sa tila naging alikabok na nilipad ng hangin.

"Kuya Renzel... " Then everything went blank.

" Shit! Dalhin natin siya sa ospital!" sigaw ni ND nang makitang pumikit na si YiHan.

"That cannot be done. Mapapahamak tayong lahat," tugon ni Knox na bahagya lamang lumingon mula sa passengers side ng Rachelle. "Iris, you're a doctor, alam mo naman siguro ang dapat gawin?"

Nabigla si Iris nang tawagin siya ni Knox. Kanina pa kasi siya hindi pinapansin ng lalaki. Nakatanga lang siya sa batok nito habang nilalapatan ng pressure ang tagiliran ni YiHan.

Biglang lumingon si Knox. Halos masamid siya sa sariling laway dala ng labis na gulat. "Iris, I'm asking you—"

"Oo, oo, I got it, pero kokonti ang gamit—"

"Huwag ka nang mabahala, binibini," putol ni Seraphiel. "Nasa truck ka ng Archangels, sinigurado ni Mikhail na lahat ng pangunahing pangangailangan namin ay narito."

"Talaga? Kahit cardiac monitor, CATscan—"

"Ang sabi ko pangunahing pangangailangan, hindi lahat ng pangangailangan."

Napabuga ng hangin si Iris at tinitigan ang sugat ni YiHan. Malaki iyon at malalim. Hindi birong dugo ang nawawala rito. Kung sa iba siguro ay kanina pa namatay, pero dala na rin marahil ng kakaibang kakayahan ng binata ay nawalan lamang ito ng malay.

"Kailangan pa rin natin siyang madala sa pinakamalapit na os—"

"Iris naman! Alin ba sa salitang 'That cannot be done' ang hindi mo naintindihan?!" sikmat ni ND na ikinabigla niya.

"OK, tama na 'yan," awat ni Roue bago siya binalingan. "Ang mabuti pa, sabihin mo na lang lahat ng kailangan, kami na'ng bahalang dumiskarte, right guys?" tanong nito kina Knox at Seraphiel na pareho namang sumang-ayon.

"Pwede ring mag-assemble kami ni Tina ng mga medical instruments," suhestypn pa ni ND.

Tumango na lamang si Iris, after all, gusto rin naman niyang tulungan si YiHan. Isa pa, pagkakataon na rin iyon upang mapag-aralan niya ang genetic make-up nito.

MEANWHILE...

MT. CLAVERIO, 1145HOURS

"Ano na, nasaan ang paliwanag mo, Mr. EA?" kunot-noong tanong ni SIC Romano kay Aster.

Napalunok na naman siya. Saan ba niya uumpisahan ang pagpapaliwanag? Eh wala nga siyang ideya sa nangyari kay Abigail. "Sir... The truth is I-I really don't know what happened, k-kung ano'ng naramdaman ninyo after napanood ninyo ang footage—ganoon din ako. N-nagtataka ako kung bakit buhay pa siya."

Nagtatagis pa rin ang bagang ng SIC. "What I am asking you is why did you keep it away from us! Bakit hindi mo sinabi ang natuklasan mo?! Ano'ng itinatago mo?!"

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Wala po! Wala po akong itinatago, maniwala kayo, Sir—"

"Liar..." malamig na putol ng SIC sa kaniya. "Ano'ng nalalaman mo?"

Nalito siya. Ano ba'ng nalalaman niya? Bukod sa buhay si Abigail? Wala... Umiling siya. "Sir, sa nakita ko, iniluwa ni Custodio ang talisman the moment na barilin siya ng Archangel, 'yon ang ikinamatay niya. After that, dinala siya sa incineration room, tapos ayun nga, she rose from the dead."

"Pero bakit mo inilihim? Kung hindi pa napulot ng isang synthetron ang flashdrive na ito at inatake ng curiosity, hindi pa namin malalaman ang totoo. Abigail's on the loose for a week! Gumagala ang isang zombie imbes na napag-aralan siya! You could be charged with treason!"

Nanlaki ang mga mata niya. Sa panahong iyon, napakatinding kaso ang treason, hindi na nililitis pa ang sinumang ma-akusahan niyon—lalo pa kung isa itong synthetron. "Sir, please, I am asking for a fair hearing, I no longer am a synthetron, am I? I am now working for the—"

"Neil, disintegrate this traitor, " utos ng SIC sa close-in security pa man din niya. Disintegration agad ang kaparusahan sa synthetron na naakusahan ng pagtataksil sa bayan.

Napatingin siya kay Neil, bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan, hindi malaman kung susunod ba sa utos o paiiralin ang pagkaka-ibigan nila.

"N-Neil, please—"

"Neil! Now! Pulverised him or I'll pulverised you!"

Itinutok sa kaniya ni Neil ang Kasanov. "I'm sorry, sir."

"MAY tumatagas na langis sa sugat niya, iyan ang natural na nagpapahilom sa sugat ng mga aswang, pero dahil sa laki at lalim ng sugat, hindi na makuhang magdugtong ng mga laman niya," ani Iris habang nilalagyan ng bandage ang sugat ni YiHan. Natahi na niya iyon, kinailangan niyang mag-perform ng skin grafting para matakpan ang nawawalang tipak ng laman ni YiHan.

"Nakabalik na ang grupo sa inn pero nanatili sa truck si YiHan, doon ito ginamot ni Iris at ngayo'y bisita ang mga teammates kabilang si Abi. Wala pa rin itong malay.

"Noon," wika ni Abi. "Kapag may isa sa mga kapugad namin ang nasusugatan nang malubha, sinusugatan din namin ang aming mga sarili upang masalinan siya ng langis. Kung mas maraming langis, mas mabilis ang kanyang paggaling."

"So saan tayo kukuha? Sa amin ni Knox? OK na ba 'yon?" tanong ni Seraphiel.

Umiling si Abi. "Hindi sa palagay ko, baka pati kayo ay mapahamak, kailangan ng mas maraming langis—"

"Anak ng baby oil naman oh, saan tayo hahanap ng mga aswang na may ginintuang puso na magdo-donate ng langis for YiHan?" biglang sabad ni ND.

"Alam ko kung saan," nakangiting sabi ni Knox.

Nang sumunod na araw ay bumiyahe si Knox at Seraphiel, papuntang Volsungga Region.

"Ay, grabe, napaka-nostalgic ng lugar na ito, dito tayo unang nagkakilala hindi ba, Knox?" ani Seraphiel habang inililibot ang paningin sa buong lugar.

"Tumahimik ka nga, parang iba ang kahulugan ng sinabi mo eh," saway ni Knox.

"Eh totoo naman—"

"Oo na, sumaya ka lang." Tumigil sa paglalakad si Knox nang may naramdamang presensiya. Suminghot siya.

"Shit, naaamoy mo ba 'yon?" Lumapit sa kanya si Seraphiel at inihanda ang Mary 'O Boa. "Santissima, Knox, ang daming aswang..."

"Kalma lang, Seraphiel—"

"Pa'no 'ko kakalma, baka lapain tayo ng mga 'yan," bulong nito.

"Dingbat, sila ang ipinunta natin dito, sa kanila tayo hihingi ng langis para kay YiHan."

"WHUT?! HIHINGI?! AKALA MO BA MAGBIBIGAY SILA NANG GANOON NA—"

"Pagbati! Ginoong Barton! Nagagalak ako'ng muli kang makita!" anang isang malaking lalaki na biglang sumulpot, ang iba pang aswang ay nakasilip lamang sa mga tagong parte ng mga guho.

Alerto kaagad si Seraphiel, handang bumaril at tumakbo anytime.

Si Knox naman ay tila nakakita ng long-lost friend pagkakita sa lalaki na agad nitong kinamayan. "Kaio, pasensiya na sa istorbo."

"W-wait," singit ni Seraphiel. "Magkakilala kayo?"

Si Kaio ang sumagot. "Oo naman, si Ginoong Barton ang aming napipisil bilang bagong pinuno ng mga aswang."

😱😱😱👈 mukha ni Seraphiel.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon