“NAMUMUKHAAN nga kita,” ani Roid.
Tumango si Renzel. “Magtu-2 weeks na kami ng kapatid ko sa Stravos, may cancer siya.”
“Ouch, mahirap 'yon, a. Kumusta naman? Natututukan ba siya?” tanong nito.
“Oo naman. Kaya lang syempre, maraming pasyente at experiments sa facility, so...”
“Sayang, kung hindi sana magre-resign si prof. Cruz, baka matutukan niya ang kapatid mo, katatapos lang kasi ng project nila sa baby chimpanzees, naghahanap siya ng bagong subject.”
Napatingin siya rito. “Prof. Cruz? 'Yong babae kanina?”
“Yup, magaling 'yon. Sa sobrang galing, maraming naiinggit, kaya may nagkalat ng tsismis na mistress siya ni Dr. Hakudo.” Bahagya itong natawa. “Naku, tsismis pala 'yong sinabi ko, ang daldal ko rin.”
“Ganoon ba... kaya pala galit na galit siya. Sana naman hindi matuloy ang resignation niya—bakit?” Kunot-noo kasi itong nakatingin sa kanya.
“Mangingisda ka ba?” tanong nito habang kumakagat sa burger.
Napakagat din siya sa burger. Malansa ang amoy nito sa kanya dahil aswang siya.
“O-oo.” Kahit hinde.
Naging magkaibigan si Renzel at Roid, kung minsan kapag nasa kampanyahan si Renzel ay si Roid ang nag-aasikaso sa mga kailangan ni Hansel. Hindi nga lang personal dahil hindi naman pwedeng lumihis sa trabaho niya ang isang synthetron, kung ano lang ang iniutos dito ng superior nito ay 'yon lang ang pwede nitong gawin.
Nakikiusap na lang si Roid sa mga nurse na siguraduhing OK si Hansel.
Tuloy ang trabaho ni Renzel sa senador, hindi niya nakikita si Leigh na ipinagpapasalamat niya. Hindi niya kasi alam kung paano pipigilan ang sarili na lapitan ang girlfriend—este ex-girlfriend niya, ayaw niyang mahanapan siya ng butas ni Senator Romano para tigilan nito ang pagpa-finance sa gamutan ni Hansel...
“Brad! Brad, may good news ako sa 'yo!” humahangos na balita ni Roid sa kanya isang araw.
Nakangiti itong hinarap ni Renzel. “Ano 'yon?”
“Si Prof. Cruz, si Iris, hindi niya itinuloy ang resignation at nabanggit ko sa kanya ang kaso ni Hansel, interesado siyang tumulong na humanap ng cure for cancer.”
Mangha siyang napanganga. “Totoo ba 'yan?! 'Di ba siya 'yong magaling na scientist na sinasabi mo?”
“Oo, siya nga. Kinausap namin siya ni Dr. Hakudo, napakiusapan namin na 'wag nang umalis in exchange of a higher salary, pumayag, brad! At sasali siya sa team na naghahanap ng cure for cancer,” tuwang-tuwang balita nito.
Tinubuan siya ng pag-asa. “Sana naman may mahanap silang lunas...”
*****
IPINAKILALA ni Roid si Renzel kay Iris, madali naman niyang nakapalagayang-loob ang babae, gusto sana niyang ipa-check dito ang kalagayan ni Hansel, pero hindi naman nito mapuntahan ang kapatid niya dahil lagi itong subsob sa trabaho sa laboratory, hindi naman niya pwedeng dalhin doon si Hansel dahil kung hindi ang mga specimens ay baka ito ang ma-contaminate dahil sa mahinang resistensya nito. Humingi na lang ito ng kopya ng medical records ni Hansel.
“Malala na pala siya, 'di bale, titingnan ko ang magagawa ko,” nakangiting sabi ni Iris nang tanggapin ang records.
Tumango lang siya, may dinaramdam kasi siya. Full moon kasi...
Naaamoy niya ang mabangong bakal sa dugo nito, ang humahalimuyak na laman at matabang utak. Naririnig niya ang pagragasa ng dugo sa bawat himaymay ng ugat nito at ang ritmo ng buhay na pintig ng puso, bawat kilos nito ay nababanat ang mga kalamnan, dinig na dinig niya ang ganit at pagbalik noon sa dati.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
FantascienzaIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)