CHAPTER 2.10

58 5 0
                                        

"PX670-352 is scheduled for further examinations. His genes can be use to create superhumans that'll battle the fallen test subjects. Base on his physical exam results, he's a lot more stronger than the synthetrons..."

Ikinukumpara na si YiHan sa Synthetrons, ang itinuturing na Super Soldiers. Ayon sa mga pag-aaral, pantay ang lakas ng isang synthetron at aswang, samantalang isang dosenang synthetrons naman ang katumbas ng isang Level 10. Pero iba siya. Minsan, sa isang training session ay kamuntik niyang mapatay ang dalawampung Synthetron, kung hindi in-activate ang core adamantium chains niya.

Oo, nakakadena siya. Yun lang kasi ang nakakapigil sa kanya, ang kuryente.

"PX670-352 passed the test. He's the perfect combination of human genetics and Level 10s. Studies to create more of his kind is ongoing."

Nilingon ni YiHan si Dr. Hakudo matapos itong magsalita sa capsule, titig na titig ito sa kanya, parang malalim ang iniisip. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makipagtagisan ng tingin dito. Natatakot siya. Oo nga't malakas siya at kaya niyang baliin ang leeg nito sa isang kumpas, pero... Hindi niya kaya. Hindi siya mamamatay-tao, hindi nga siya kumakain ng laman ng tao kahit naipasa ng ng Kuya Renzel niya ang talisman ng aswang.

"K-kailan n-niyo po ba a-ako, iri-release?" tanong niya, antagal na siyang pinangakuan ng mga ito na pakakawalan oras na magtagumpay ang-

"Kailangan pa naming malaman kung anong kakaiba sa genetic make-up mo, Kailangang maibalik sa dati ang iba pang Level 10, kung nagawa mong maging tao muli, there's no doubt na kaya rin yun ng iba pa," sagot nito.

Tumahimik na lamang siya. Gusto rin naman niyang makatulong sa kapwa niya. Yun nga lang, nahihirapan na siya. Pero kung may pag-asa pa nga na gumaling ang mga Level 10 sa tulong niya, hindi siya magdadamot. Isa pa, maaring magkita na uli sila ni Jasmine kapag nangyari iyon. Kung totoo nga ang sinabi ni Nivla na iba na si Jasmine, matutulungan din niya itong gumaling. Malalaman na niya kung ano nga ba ang gusto nitong sabihin sa kanya noon, at siya naman, masasabi na rito ang nararamdaman niya para rito.

Speaking of Jasmine... Naaamoy na naman niya ito, nasa malapit lamang si Jasmine. Malapit na malapit.

Lumakas ang tibok ng kanyang puso. "D-doc, b-baka po pwedeng lumabas, s-sandali, m-may titingnan-"

Kumunot ang kaniyang noo, sobrang lapit na ni Jasmine, naaamoy niya ito, gayundin ang amoy ng sariwang dugo... Nagkakagulo na rin, pero siya lang yata ang nakakarinig. Soundproof kasi ang silid niya at ang buong laboratory na iyon.

Inilibot niya ang paningin. Tuloy sa trabaho ang mga scientists. Walang nakakapansin at nakakarinig sa-

Napayuko siya nang biglang magiba ang vantanium entrance ng lab, halos mabingi siya sa lakas ng impact ng kung anumang sumira roon.

"Anong-"

Isang Level 10 ang nagwawala at iwinawasiwas ang anumang mahawakan. Tao, gamit, lahat. Takbo ito nang takbo habang pilit inaawat ng Synthetrons, ngunit hindi naman mapigil kahit niraratrat na.

"Systems down! The cell has been destroyed! Level 10s on the loose! All personnels proceed to the emergency exit!" ang paulit-ulit na sinasabi ng speaker.

Napanganga siya habang pinanonood na magwala ang mga Level 10, winawarak ng mga ito at kinakain ang mga madampot na scientists, halos bumaliktad ang kanyang sikmura.

"D-doc-" Napaatras siya nang basagin ng isang Level 10 ang primera klase sa tibay na salamin na pader ng kaniyang silid.

Nanlaki ang mga mata ng doktor. "YiHan! Magbagong-anyo ka-" Naputol ng sigaw nito ang sinasabi.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon