Chapter 8

84 6 1
                                    

TUWING umuulan ay naglalabasan ang mga Level 10, kumukulimlim kasi ang langit. Pagkakataon iyon ng mga Level 10 upang lumabas sa dilim at makapambiktima.

Tulad ngayon...

"James, i-heat up mo na ang Tesla," utos ni ND habang inihahanda na rin ang MK-Zong Schnider rifle n'ya.

Naging malikot ang mata ng anim, isinara ang mga heavy titanium accordion windows ng Revenger at sumilip na lang sa mga peepholes.

Kapansin-pansin ang mabilis na takbo ng mangilan-ngilang armored vehicles na nakakasabay nila, nakahanda na rin ang mga laser cleavers at iba pang armas sa bubong ng mga iyon.

Nakahanda ang lahat sa inaasahang pagsalakay ng mga halimaw.

"Noong una, natatakot pa akong gumamit ng Illiad, pero ngayon, nae-excite na 'ko," nanginginig pa ang boses ni Mariz habang parang baliw na nakangiti at hawak ang Illiad, malaking klase iyon ng crossbow na kayang mag-release ng tatlong 2ft long at 2inch thick na palaso na gaya ng Silver Cartridge ng Kasanov ay sumasabog kapag naka-hit. "Ang tagal nila," anito pa.

"'Wag kang mainip, pagpatak ng ulan, I'm sure, magtatakbuhan palabas ang mga 'yon," sagot ni Iris.

Maya-maya nga ay isang malaking Level 10 ang sumampa sa bubong ng sinusundan nilang bus, tumagilid iyon at kamuntik pa silang mabangga.

Pumatak ang maliliit na butil ng ambon, at nag-atungalan ang mga Level 10, nang tuluyang bumuhos ang malakas na ulan.

"Tirahin mo, James!" sigaw ni ND nang makita ang halimaw na nasa kaliwa ng sasakyan nila.

Itinutok ni James ang Tesla sa halimaw at pinindot ang 'BLAST'. Dumaloy ang asul na kuryente at sinunog ang Level 10 na patuloy pa rin sa pagtakbo kahit kulay uling na hanggang sa tuluyan itong tumumba.

"Tina, sa kaliwa! Hit it!" ani Mariz, sabay tutok ng Illiad sa Level 10 na bumitin sa gilid ng Revenger at pilit itinutumba.

Tumama ang tatlong arrow sa tiyan nito at sumabog, yumanig ang Revenger ngunit hindi naman nasira dahil sa armor plate nito.

Binilisan ni Tina ang pagda-drive at sinalubong ang dalawang Level 10 na palabas mula sa kakahuyan. Nagtilamsikan ang laman ng mga ito dahil sa grinder na umiikot sa harap ng Revenger at kumulapol sa salamin.

"Eeew, ayoko na ng bopis," nakangiwing sabi ni Iris.

Salamat na lang sa ulan at nahugasan din ang dumi sa windshield.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan at zero visibility na, kung magda-drive pa rin si Tina ay baka maaksidente na sila, saktong hihinto na ang Revenger nang matanawan ni James buhat sa periscope ng Tesla ang isang van sa di-kalayuan na pinalilibutan ng tatlong Level 10 at pilit itong winawasak. Kitang-kita nya na may mga tao pa sa loob.

"30m from us, somebody needs help. "

"Ano 'yon?" tanong ni ND.

Bumaling dito si James, "I saw a van, pinalilibutan ng mga Level 10, tangina, pare, buhay pa yung mga tao sa loob."

Biglang naisip ni ND si Knox at Roue noong mga panahon na siguro ay pinalibutan ang mga ito ng Level 10.

"Tina, idiretso mo, we'll gonna help those guys," aniya.

Sumunod naman agad si Tina.

"NO, JAMES! 'WAG MONG I-TESLA,BAKA MADAMAY YUNG MGA TAO SA SASAKYAN!" awat ni Iris kay James na sinisipat na uli ang Tesla.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon