VOLSUNGGA REGION, PHILIPPINES
1135HOURSNapakatindi ng sikat ng araw. Halos disyerto kasi ang buong lugar, wala nang kahit na anong matinong iskultura na maaaring silungan. Lahat ay gumuho na at mistulang warzone.
"Shucks ganito pala dito, baka may mga nagtatago lang d'yan."Bakas ang kaba sa tinig ni Neodymium.
"Stay on your guard, guys," ani Knox na s'yang nangunguna sa paglalakad. Dahan-dahan ang kanilang hakbang habang nakahanda ang mga sarili.
Sunod-sunod ang lima, si Knox, Iris, Tina, ND at sa huli sa Roue. Bawat isa ay armado ng mga high-powered firearms. Si Knox at Roue, ay may bitbit na halos five feet long na Kasanov-AR0011 na kapag tumama ang bala sa kahit na anong target ay sumasabog. Specially designed iyon laban sa mga Level 10, ngunit mga servicemen at licensed security personnels lamang ang pinapayagang magkaroon, dahil na rin sa lakas ng backfire niyon at peligro.
"Cap, bakit ba dito tayo nagpunta? Parang ipinapain natin ang mga sarili natin ah," wika ni Iris.
Nagpalinga-linga si Knox, sinisipat ang bawat ruins na maaaring pagtaguan ng target. "Kung Level 10 ka, dito ka magtatago."
"Oo nga, pero hindi tayo Level 10, ni hindi nga tayo Level 1 eh, umalis na tayo dito!" nanggigigil na pakli ni Tina.
"Bakit nung nagda-drive ka kanina, hindi ka narereklamo?" tanong ni Roue na sa likod nakabantay.
"Inaantok pa 'ko kanina eh!"
"Shhh... Stop bickering guys. Magfocus tayo kay PX670-352," saway ni Knox.
"Ni hindi natin alam ang itsura ng isang 'yon--"
"Basta mukhang mas malakas sa Level 10, tipong Level 100--tirahin n'yo na."
"So kapag Level 10 lang, deadma?"
"ND--"
"Sorry."
"Guys, there's no need to be paranoid, ang taas ng sikat ng araw, hindi makakalabas ang mga Level 10."
"Onga naman," pagsang-ayon ni Roue kay Knox.
"But still we don't want to try our luck, mag-ingat pa rin tayo, baka kayang labanan ni PX670-352 ang araw."
"Iris ang nega mo," ani ND.
Kung tutuusin ay ligtas nga sila dahil takot sa araw ang mga Level 10, pero iba pa rin kapag ang nawawalang test subject na ang pinag-uusapan. Walang nakakaalam ng limitasyon o kahinaan nito, tanging kakarampot na impormasyon lamang na mula sa journal ang basehan nila ng paghahanap dito.
Basta lalaki ito, 'He' kasi ang pronoun na ginamit dito sa journal, Siguro, Chinese, Japanese, o Korean ang taong iyon. Hindi kasi pangkaraniwan ang pangalan nito, YiHan.
"Wait, wait, wait, guys. Movements at nine o'clock," ani Roue.
Naging alerto silang lahat, napa-focus sa sinabing direksyon ng lalaki. Ngunit habang focus na focus sila sa wasak na esablisyimento na ayon sa nakalaylay na signage, ay dating gym, ay hindi nila napansin ang nilalang na mabilis na dumaan sa kanilang likuran.
Mabilis na lumingon si Knox nang maramdaman ang nabanggit na presensiya, at iniumang ang Kasanov n'ya, nagulat ang mga kasama niya kung kaya't nagsilingunan din ang mga ito.
"Cap, ano 'yun?" bakas sa tinig ni Iris ang takot.
Kunot-noong umiling si Knox, "Hindi ko alam, parang--"
"TANGO SPOTTED!"
Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni ND sa kabilang direksyon, kung saan kitang-kita nila ang mabilis na pagtakbo at paglundag ng isang mabilis na nilalang. Hindi nila mawari kung ano ba ang pinapaputukan ni ND dahil sa sobrang bilis ay blurred lines na lang iyon.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage