Chapter 13

87 5 1
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Iris nang madama ang mainit na hiningang iyon sa kanyang mukha, dala ng nanlalabong mata ay hindi niya maintindihan ang itsura ng nilalang sa harap niya. Kulay itim ito at mabalahibo.

Anlakas ng sigaw niya.

"Hey! Tahimik, miss! You're scaring JR!" anang isang tinig-lalaki.

*****

HABANG binabagtas nina Raguel ang kahabaan ng NLEx ay may napansin siyang sumusunod sa kanila, truck niya kasi ang nasa kahulihan ng 6 truck convoy ng Archangels. Isang Harrier. Government personnels lang ang gumagamit ng ganoong klaseng sasakyan.

"Deputa..." bulong niya na narinig naman ni Uriel na katabi lang nya.

"Bakit?" tanong nito.

"We got company," tugon nya.

Sumilip sa sidemirror si Uriel, napamura din ito. "Kalma lang, Raguel, gumilid ka, padaanin natin," anito.

Ganoon nga ang ginawa nya, pero imbes na dumiretso ay tinabihan lang sila ng Harrier, pagkatapos ay may tinig na nagmula sa speakers nito.

"In the name of the Philippine Government, this is Synthetron first lieutenant Drew B98777, asking for your kind cooperation. Please pull over, vehicle plate numbers, AA-2484, AA-2485, AA-2486, AA-2487, AA-2488 and AA-2489," aniyon.

Nagkatinginan sila ni Uriel, binagalan nya ang takbo nang mapansing bumabagal na rin ang Rachelle na sinusundan nila.

"Feeling ko may kinalaman ito sa aswang," aniya.

*****

"IKAW, Kinuel, magbahagi ka naman ng mga karanasan mo sa mga babae," nakangising udyok ni Juviel kay Kinuel. Nagbibyahe sila at patungo na naman sa kung saan, matapos mamalagi ng dalawang araw sa airport.

Umiling s'ya.

Pinagtawanan sya nito at ni Raphael, maging si Riouel ay ngingiti-ngiti din.

"Cap, wala kang balak ikwento si Iris?" ani Riouel.

Kunot-noong nilingon nya ito. "What about her?"

"Oo nga, Kinuel, ikwento mo ang Iris na 'yon," ani Yeshiel.

"Teammate namin si Iris, pati si Tina, ND, at Cattleya," simpleng tugon nya.

Umangal ang mga ito, kanina pa kasi nagpapayabangan sa dami ng naging babae ang mga ito, wala naman syang mai-contribute dahil mama lang nya ang babaeng kanyang minahal. At alam iyon ni Raphael dahil kasabay nya itong lumaki.

"Sobrang close ni Cap at Iris, ewan ko, sila na yata, inilihim lang," ani Riouel.

"Anong sinasabi mo?" tanong nya, porke close, may relasyon na? Friends lang sila ni Iris.

Sasabihin nya sana iyon, pero biglang may nagsalita sa labas. Pinahihinto sila.

Unti-unti nga ay bumagal ang takbo ng sinasakyan nila. Mula sa bintana nila sa unahan ay sumilip si Ythuriel na syang katabi ni Gabriel na nagda-drive. "Mga taong gobyerno. May Synthetrons," anito na kay Riouel nakatingin.

Natahimik silang lahat, kumilos ang mga kasama nya at nagkasa ng mga baril. Ganoon ang SOP nila sa tuwing may nakakasalubong na mga militar.

Nagsibaba sila.

"Cap, si Cpt. Neil at Ltnt. Drew pala ang team leaders, sa likod muna ako," ani Riouel na humalo sa iba pang Archangel. Nilapitan naman sya ni Seraphiel at pasimpleng binulungan.

"Bihira kaming pahintuin ng militar sa mga biyahe namin, at sa tuwina'y dahil lamang sa paglabag sa trapiko," anito. "Oras na ang dahilan sa pagsitang ito ay dahil sa aswang na pinatakas mo, ako mismo ang dudukot d'yan sa napakaganda mong mga mata." Tinalikuran sya nito.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon