Prologue

495 18 0
                                    


 Isa syang scientific breakthrough.

Sa panahon kung kailan moderno na ang teknolohiya ay hindi pa rin nawawala ang mga kagaya niya. Nakikipagsabayan sa mabilis na pag-usad ng panahon. Nakikisalamuha ng lihim sa mga tao.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap,
nabunyag ang kanilang pag-iral dahil sa kapusukan ng isa nilang
kauri. Subalit imbes na pangilagan, katakutan at patayin, ay
naging mainit sila sa mata ng mga siyentipiko.

Sapagkat isang kakaibang strain ng bacteria ang natuklasang
nananahan sa kanilang cells. At ang mga cells na iyon ay napag-
alamang kayang labanan at patayin ang cancer cells.

Lunas sa pinakakinatatakutang karamdaman ang kanilang uri.
Kung kaya't sila'y ipinahanap sa mga Synthetron upang suriin at
pag-aralan.

Bigla'y tinubuan ng takot ang kanilang lipi, nagsipagtago at
nangaligkig sa sindak sa mga taong higit na matatalino at
mapupusok kesa sa kanila.

Marami ang nahuli at namatay. Nang mga panahong iyon ay
matagumpay nang naisasagawa ang vaccinations sa mga tao
upang hindi magkaroon ng cancer. Subalit gaano man katalino
ang mga siyentipiko ay hindi nila nalunasan ang side effects ng
bakuna.

Anti-cancer nga ang bacteria sa cells na ito, ngunit nagagawa
namang i-mutate ang pasyente upang maging mas malakas at
mabangis na nilalang. Isang nilalang na hindi makontrol at
maraming pinapatay higit sa pinagkuhanan ng cells na iyon.

Tinawag itong Level 10.

Nagkaroon ng kaguluhan. Ngayon ay nagtatago na rin ang mga
taong hindi nabakunahan sa takot na sila'y biktimahin ng mga
Level 10.

Hanggang isang araw, nawasak ang pinakamalaking research
facility sa bansa at napatay ang mga scientist, test subjects,
maging ang mga bantay na synthetron. Ayon sa ulat, isang test
subject ang nagwala at umatake sa mga taong naroon, at sa
ngayon ay at large.

Sa incident site ay isang journal ang natagpuan. At nakapaloob
doon ang isang impormasyong maaaring magligtas sa
sangkatauhan laban sa mga Level 10.

"PX670-352 is responding positively to the drug sample
Bg4-003. In three weeks time, there's no doubt that he'll
return to normal."

"PX670-352 shows control of his emotions. He can
transformed himself into a Level 10 if he wants to and stay calm
at the same time. He shows a lot more strength than the
previous test subjects. PX670-352 is the perfect genetic
mutated human. The final stage in human evolution."

"PX670-352 is scheduled for further examinations. His genes
can be use to create superhumans that'll battle the fallen test
subjects. Base on his physical exam results, he's a lot more
stronger than the synthetrons."

"PX670-352 passed the test. He's the perfect combination of
human genetics and Level 10s. Studies to create more of his
kind is ongoing."

Pero nasaan ang PX670-352 na iyon? Iyon din kaya ang test
subject na nagwala at pumatay sa mga scientist?

***

Ibinigay sa grupo nina Knox ang isang makapal na folder.

"'Yan ang project ninyo ngayon. Look for PX670-352 also known
as YiHan."  

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon