CHAPTER 3.3

24 5 0
                                    


"SERAPHIEL?!" sabay-sabay na sambit ng tatlo.

Lumipad palapit sa kanila si Seraphiel habang tumatawa. "Bilib na kayo sa 'kin ano? hindi kayo makapaniwala that I managed to escape that Hell-hole." Nilingon nito si Knox. "Mag-uusap nga pala tayo, Barton. Ikaw ang abnormal na nagtapon sa 'kin sa mental—WHOAH, THERE! HORSIE!" Kinalmot nito ng mahabang kuko ang Level 10 na nagtangkang lumapit dito pero gasgas lang ang natamo ng halimaw.

"Mamaya tayo mag-usap," tugon ni Knox at nagsimula nang bumaril.

"Oo nga, mga panget. Grabe, Ako lang ang gwapo sa 'ting apat ah," nakangising sabad ni Roue na umani ng kunot-noo kina YiHan, Knox at Seraphiel. "Ano? Kokontra pa kayo—" Inilagan nito ang Level 10 na tinangka itong dambahin.

"He's acting weird..." ani Knox sa sarili. matagal na niyang kasama si Roue kaya alam niyang may kakaiba sa ikinikilos nito. Parang masyado itong makulit at... masaya... "Why?"

Habang patuloy ang pag-atake ng mga Level 10 na parang hindi nauubos ay patuloy rin ang killing spree ng apat na lalaki. Si Roue at Knox gamit ang kani-kanilang Kasanov at si YiHan at Seraphiel gamit ang kanilang matatalim na kuko at pangil.

"Layo!!!" sigaw ni YiHan at hinawi ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagtakbo pasalubong sa mga ito habang nakadipa, binabarag niya ang ulo ng mga malalakas ang loob na sagupain siya.

Minsan ay nakadarama siya ng pagsisisi sa tuwing may napapatay na Level 10, alam niya kasi na posibleng isa sa mga dati niyang kasamahan at kaibigan ang kaniyang napapaslang. kaya lang ay ano bang magagawa niya? Kailangan din nilang mabuhay. Silang mga nasa tamang katinuan pa.

Gigil na gigil si Knox habang panay ang pasabog ng Kasanov. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay naaaliw siya sa tuwing may sumasabog na kalaban, sa mga nagtatalsikang piraso ng durog na bungo at laman ng mga ito at bulok na dugo.

"Adrenaline rush?" kausap niya sa sarili. "Stop it, knox, masama sa kalusugan ang pakikipag-usap sa sarili, baka mapatulad ka kay Seraphiel na nakulong sa mental—Oh shit, I'm doing it again! Stop it, Knox—Aw! Crap!" At ibinaling niya sa mga Level 10 ang inis sa sarili. "Keep coming! Bitches!" sigaw niya sabay kaltis sa gatilyo ng Kasanov nang sunod-sunod. Tilamsikan ang dugo at laman ng mga level 10, tuwang-tuwa na naman siya pero naputol ang kaligayahan niya nang lagitik na lang ang marinig sa de-kalibreng armas. "'Tangina ba..."

"Kailangan mo ng cartridge, Cap—"

"Hindi na, Pogi!" At pinagkakalmot na lang niya ang mga Level 10...

MARIIN niyang itinakip ang kamay sa kaniyang bibig upang walang makarinig sa kaniyang mga impit na tili.

Takot na takot siya. Paanong natiis niyang mamuhay na tulad ng mga ito sa loob ng ilang taon? Paano niya natanggap ang kanyang sarili? Paano siya natanggap ng kaniyang tagapagligtas?

"Maawa kayo... M-maawa kayo sa 'kin..." nanghihinang usal ng buntis na babae na sa itsura ng tiyan ay tila kabuwanan na.

Sumingasing ang mga nakakapangilabot na nilalang habang iniikutan ang babae.

"May naririnig ba kayo...?" tanong ng tila leader ng mga ito.

Insulto ang naging pagtawa ng apat pa nitong kasama. "Wala... Wala akong naririnig... Pero naaamoy... Meron! At napakabango!"

"Ako rin!"

Tawanan.

Mayamaya'y dinambahan na nga ng isa sa mga ito ang babae at kinalmot sa mukha, lumaylay ang natapyas na bahagi ng pisngi ng babae, lumitaw ang ngipin at loob ng bibig nito. Ganoon na lamang ang palahaw ng nasaktang ginang.

"Kainan na!"

"Tigil!"makapangyarihang utos ng pinuno na nagpahinto sa pagsalakay ng mga aswang.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon