"MARAMI pong salamat, tunay nga kayong mga anghel," anang village chief ng Laytossa kay Mikhail habang iniaabot ang envelop na naglalaman ng malaki-laki ring halaga.Hindi nag-atubili si Mikhail na tanggapin iyon. "Wala pong anuman. Trabaho ng tulad namin ang pangalagaan ang lahat."
Tumango ang chief at matapos ang ilan pang bolahan ay nagpaalam na sina Mikhail, dala nila ang abo ng mga nadisgrasyang kasamahan.
Pakaway-kaway pa sila sa mga villagers habang palayo ang convoy ng kanilang truck.
Makalipas ang tatlong oras na paglalakbay ay pumarada sila sa isang gas station na pinaparadahan din ng iba pang heavily armored vehicles na nagpapagasolina.
"Raguel, i-full tank ang Noelle, Rachelle, at Janelle," ani Mikhail na ang tinutukoy ay ang tatlo sa anim na truck.
Tumango lang si Raguel bago kinuha ang perang panggasolina na mula sa mga taga-Laytossa.
Isasara na sana ni Mikhail ang pinto ng maliit n'yang silid nang dumating si Gabriel.
"Pwede ka bang makausap?" seryoso nitong tanong.
"Sige, tuloy ka," tugon n'ya. "Malaki-laki rin ang bayad nila sa 'tin, sapat para pumetiks tayo ng mga dalawang linggo—"
"Hindi 'yan ang gusto kong pag-usapan natin," putol ni Gabriel sa sinasabi n'ya.
"Kung ganoon, ano pala?"
"Tungkol kay Kinuel."
Napatitig s'ya rito. "What about him?"
Huminga nang malalim si Gabriel. "Usap-usapan ng ibang Archangel na s'ya ang ninja—"
"Hinde, hindi si Kinuel ang ninja, alam kong hindi s'ya 'yon," nakangiti n'yang tanggi.
"Kinausap mo na ba si Kinuel ukol dito?"
"No need, hindi s'ya ang ninja."
Napangisi si Gabriel. "Syempre naman... Kahit pa nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan, anak mo pa rin s'ya, ipagtatanggol mo—"
"Hindi sa ipinagtatanggol ko sya, kilala ko rin si Kinuel, at isa pa ako ang nakaharap ng ninja nang gabing iyon, magkaiba sila ng anak ko,"
"Ang ibig mong sabihin... Instinct lang ang katibayan mo na hindi sya—"
"Huwag mo nang ipilit, Gabriel. Sa 'kin kayo maniwala. Tapos."
Hindi kumibo si Gabriel, yumuko lamang ngunit nakakuyom ang mga kamao.
***
MASAMA rin naman ang loob ni ND kahit na hindi nia kinikibo si Iris at Jessa.
Hindi nya gustong magkaroon pa ng alitan sa kanilang grupo, kaya lang kasi, hindi pa nya kayang pag-usapan si Cattleya, wala pang anim na buwan mula nang mawala ito.
Sariwa pa rin sa isip nya ang araw na kinailangan nilang maghiwalay nito.
Noong tinutukan nya ito ng Kasanov at pinatakbo palayo para lang hindi ito patayin. Ito mismo ang humiling na patayin nya ito, pero hindi nya kaya, lalo pa't nagdadalang-tao ito sa anak nila.
Napasinghot si ND. Natatakot sya sa maaaring nangyari sa kanyang mag-ina. Binibilang nya ang mga araw at buwan, kung buhay pa si Cattleya, kabuwanan na nito.
Ano kayang mangyayari sa bata kung isisilang ito ng isang ina na naging aswang habang ipinagbubuntis ito?
Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ayaw nyang pag-usapan o marinig man lang ang pangalan ni Cattleya dahil masisira ang balanse nya, at nangyayari na ito nang dahil kay Iris.
![](https://img.wattpad.com/cover/104938238-288-k346074.jpg)
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage