DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si YiHan. Dalawang lalaking naka-scrub suit ang una niyang nakita. Nagtangka siyang bumangon pero pinigilan siya ng mga ito.“Magpahinga ka muna,” sabi noong naka-surgical mask.
“Save your energy, kailangang nasa normal state ka, before we proceed,” sabi naman noong isa pa.
Wala siyang naintindihan. “P-proceed? P-roceed on what? N-nasaan ako?” Inibot niya ang paningin. Puti ang buong paligid, there are monitors everywhere, mga makinang nakita na niya noon, kemikal, wires, etc.
Nanghihina pa siya ngunit sinubukan niyang pumalag. Hindi niya nagawa. Nang tingnan niya ang sarili ay daig pa niya ang sinikmuraan. Nakagapos siya ng adamantium belts. Mula dibdib hanggang paa, ultimo mga kamay at braso niya ay meron.
Nasa Stravos yata ulit siya. Pero imposible... matagal nang nawasak ang lugar na iyon. Marahil ay nasa panibagong research facility siya. Wala na siyang kawala. Halos isang taon lang siyang naging malaya...
Oo nga pala, kusang loob siyang sumama sa synthetrons para mailigtas ang mga kasama niya. Nasaan kaya sina Roue? Ligtas kaya ang mga ito.
May naramdaman siyang kirot sa may braso. Nang tingnan niya ang sanhi noon ay napangiwi siya. Kinukuhanan siya ng dugo gamit ang isang malaking syringe.
“Huwag kang malikot, saglit lang ito,” anang lalaking naka-surgical mask.
“A-ano'ng gagawin ninyo sa akin?”
Tiningnan siya nito sa mga mata. “Don't play innocent, Mr. Yee, alam mo na 'yon.”
Binunot nito ang heringgilya at hindi man lamang nilagyan ng bulak ang bahaging tinusok nito.
“Huwag... Parang awa n'yo na... H-huwag ninyo akong papatayin...” Sinubukan niyang gumalaw ngunit mahina pa siya. Kung pwede lang sanang magpalit siya ng anyo...
Mayamaya'y bumukas ang isang pinto, pumasok doon ang isang grupo ng mga taong naka-scrubsuit din. Ang iba'y lumapit sa dalawang lalaking naroon at ang iba ay sa kanya dumiretso.
May nagtapat ng ilaw sa mga mata niya, may nagturok ng syringe, may nag-check ng vital signs at kung ano-ano pa. Panay rin ang tanong ng mga ito.
Walang duda... pag-eeksperimentuhan na naman siya.
SAMANTALA, isa-isang ibinalik sa kulungan ang mga nadakip na aswang na kinuhanan ng langis para kay YiHan. Hinang-hina ang mga ito dahil halos sairin ng mga siyentipiko ang kanilang dugo at langis. Ang iba roon ay pag-aaralan muli ng mga ito kasama ng dugo ni YiHan.
“N-ngayon lang ako... nakadama ng ganitong panghihina...” wika ng isang babaeng nakabulagta na lamang.
Uubo-ubo naman ang isa pang babae na wala nang tinig na lumalabas sa bibig.
“K-kailangang humingi ng saklolo... Papatayin nila tayo rito...” anang isang lalaki na ibinuka nang pagkalaki-laki ang bibig. Animo'y nasusuka.
Pinipigilan siya ng iba pang mga kasamahan ngunit hindi siya nagpapigil.
“F-Francisco... huwag mong gawin iyan...”
“M-mamatay ka!”
Mula sa bibig ng lalaki ay pilit lumabas ang isang itim na nilalang. Halos mawasak ang bibig nito dahil sa pagpipilit lumabas ng nilikhang kasinglaki halos ng aso ngunit itsurang pusa. Nanlalagkit ang katawan nito dahil sa makintab at malinaw na likidong bumabalot dito. Ngumiyaw ito ngunit ilang beses na mas mababa at kakila-kilabot ang boses nito kaysa sa mga pangkaraniwang pusa. Mahaba at manipis ang dila nito na kulay malabong puti.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Ficção CientíficaIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage