NABAGO ang tingin ni Roue kay Ythuriel aka YiHan aka PX670-352, nang maikwento nito ang nangyari sa Stravos Research Facility.
Dati ay suklam na suklam siya rito dahil marami sa mga kaibigan niya a ang namatay nang tumakas ito. Pero ngayon, alam na niya ang totoo, maging ang pagsisinungaling ni Mikhail ukol sa pagkamatay raw nina Iris ay ipinagtapat na nito, hindi talaga sila pinabayaan ng gobyerno, nadisgrasya lang sina Iris ngunit nasa maayos na kalagayan na. Hindi na siya makahintay na ibalita iyon kay Knox, iyon ay kung makikita niya ang kaibigan...
"Ikaw, Seraphiel, bilang aswang ka rin naman, sa palagay mo, saan nagpunta si Kinuel?" tanong ni Ythuriel.
Pumikit si Seraphiel, halatang inaantok pa. "Malamang, kinain niya si Mikhai-"
"Seraphiel?! Ang morbid mo!" angal ni Ythuriel.
"What? Tanggapin ninyo na, aswang si Kinuel, baguhang aswang, ang mga ganoon, hindi nakakapigil kumain ng tao-"
"Kilala ko si Cap, hindi s'ya ang tipo ng tao na mabilis mawalan ng kontrol-"
"Siguro, bilang tao, magaling talaga siya sa pagkontrol sa sarili niya, eh pa'no kung aswang na siya?" nakangisi pang sabi ni Seraphiel.
Ayaw mang tanggapin ni Roue, ay aminado siyang may point ito. Iiling-iling siyang tumayo at lumabas ng diner na tinambayan nila.
Sinundan siya ni Ythuriel. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa ugali ni Seraphiel, talagang nakakapikon ang isang iyon, ngunit kung makakasanayan mo naman, ay makakasundo mo s'ya."
"'Di bale na, wala akong balak masanay sa ugali niya. Ang gusto ko na lang ay mahanap si Captain."
"Uhm... Roue... Ngayong alam mo na ang totoo kong pagkata-o pagka-Level 10, isusuplong mo ba ako sa gobyerno?"
"Napatingin s'ya rito, kung pagbabasehan ang mukha ay wala talagang mag-iisip na may natatagong halimaw sa loob ni Ythuriel. Mukha itong batang inosente.
Nagtatalo ang kalooban niya, kung totoo nga ang kwento ni Ythuriel, dapat lang na hindi na niya ito ibalik sa gobyerno, ngunit paano naman kung nagsisinungaling ito sa kanya? Pagtatrayduran ba n'ya ang gobyernong umaasa sa kanila para sa kapakananan ng iisa?
"Hindi ko pa 'yan masasagot, Ythuriel, pag-iisipan ko pa," aniya.
*****
PAKIRAMDAM ni Abigail ay na-promote siya sa trabaho.
Paanong hindi, eh kasali siya sa meeting ng mga synthetrons at militar, nagkaroon sila ng deal ni Aster Coolidge.
Tutulungan siya nitong maging freeman kung makikipagtulungan din siya sa mga ito at ibubulgar lahat ng nalalaman niya sa Archangels.
Gusto n'yang maging malaya, kaya pumayag siya. Paki ba niya sa mga Arkanghel na iyon? Lalo na kay Seraphiel.
"OK, umpisahan na natin..." ani Aster.
Ngunit bago pa man magsimula ang pulong ay nagkagulo na dahil sa isang nagpipilit pumasok sa board room.
Nagpulasan ang mga synthetron upang awatin ang gulo, si Abigail naman ay prente pa ring nakaupo sa pwesto niya.
"Shit! How did they get out?!" tinig iyon ni Aster.
Na-curious siya kaya tumayo na siya at nakiusyoso sa may pintuan. Nagkakagulo ang mga Synthetrons at mga... Archangels?!
Napatanga siya, paanong nakalabas ng kulungan sina Raguel, Uriel, at yung dalawa pa? Kontrolado naman na ang sitwasyon dahil nahuli na ang mga ito.
"OK, everybody, let's go back to the meeting," ani Aster na pumalakpak pa.
"Grabe sila, ang gagaling tumakas," bulong niya, patungkol sa Archangels.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage