“GODDAMN it, ND, why?!” Halos magsilabasan ang mga ugat sa leeg ni Knox dahil sa matinding galit. Kaagad naman siyang inawat ni Jessa at Tina.“Captain! Captain may kasalanan din ako,” mangiyak-ngiyak na wika ni Iris habang nakaalalay kay ND.
Bakas sa mukha ni Knox ang pagkalito at pagkadismaya. Kunot-noo siyang umiling habang nagpapalipat-lipat ang tingin kay ND at Iris. “Paano ninyo nagawa ito? After all the sacrifices I've—”
“Exactly the reason why I gave him back to where he belong!” sagot ni ND, “Cap, masyado nang perhuwisyo ang YiHan na iyon! Sa kanila ng kapatid niya nag-ugat ang lahat ng nangyayari ngayon sa mundo!”
“Bakit mo isinisisi sa iisang tao ang lahat?!” Knox retorted. “Masyado nang maraming hirap ang dinanas niya, kung sa palagay mo ay dapat lang siyang maparusahan dahil sa mga pangyayari ngayon, sa palagay ko naman ay sapat nang pasakit ang dinanas ni YiHan sa loob ng pitong taon. Naawa man lang sana kayo—”
“Awa? Naawa ba ang kapatid niya kay Catty nang buntisin niya ito at—”
“So it all boils down to Cattleya, huh?”
“Si Catty ang lahat sa akin—”
“Kung hindi nawala ang kapatid ni YiHan, sa palagay mo ba makikilala mo si Catty?!”
“Cap, ND, tama na,” awat ni Jessa. “Huwag na nating palakihin ito...”
Umiling si ND. “Captain Barton is being selfish. Ayos lang sa kaniya na magdusa ang sangkatauhan para sa kapakanan ng iisa.” Pagkatapos ay lumabas ito ng silid.
Napatingin ang tatlong babae kay Knox. “Tama siya. Nagiging makasarili nga ako. Iisang tao nga naman si YiHan,” aniya.
“Cap, I'm sorry...” ani Iris.
“Captain Barton, I'm sorry din,” Tina said. “Naisip ko lang naman na... iyon nga, iisa lang si YiHan kumpara sa mga buhay na maliligtas niya kung sakali.”
“Kung sakali,” nakangising sabi ni Knox. “Ni walang kasiguraduhan kung lunas nga ba siya para maubos ang Level 10s.”
“Pasensiya na, hindi na namin naisip iyan,” sabi naman ni Jessa.
“Teka...” mayamaya'y wika ni Iris na parang may ideyang nabuo. “Si Raye B47000. May ginagawa siya para mapatay ang Level 10s!”
Napalingon sa babae ang tatlo.
“Ano?” tila iisang tao na tanong ng mga ito.
HINDI namalayan ni ND na nasa harap na siya ng selda ni SiC Romano. Nakatitig lang siya sa lalaki, ganoon din ito sa kanya.
“Ayoko talaga sa iyo para sa anak ko,” walang anu-ano'y wika nito.
Ngumiti lang siya. “Katulad ng pag-ayaw ninyo kay Renzell Yee.”
Ngumiti rin ang ginoo. “Hindi ko alam kung anong nakikita ni Cattleya sa mga lalaking mahirap pa sa daga.”
“Siguro mas nakikita niya sa mga ganoong klase ng lalaki ang pagmamahal na hindi niya makita sa inyo.”
Nabura ang ngiti nito. “Mapapalamon ba siya ng pagmamahal na iyan? Mapoproteksyunan? Maibibigay ang luho?!”
“Mr. SiC, hindi n'yo po yata kilala ang anak ninyo. Kahit kailan ay hindi siya lumapit sa inyo noong itapon n'yo siya sa team namin—”
“Hindi ko itinapon ang anak ko! Itinago ko lamang siya sa mapanghusgang mata ng lipunan—”
“Ang lipunan ba talaga ang mapanghusga o kayo?”
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
FantascienzaIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage