😱😱😱👈 mukha ni Seraphiel."NAKAKAGULAT ba 'yon?" tanong ni Kaio. "Ang mukha mo... parang hindi ka makapaniwala ah."
Unti-unting naka-recover sa shock si Seraphiel nang mapansing isinusuot ni Knox ang eyeshield nito habang nakatingin sa kanya at may pinipindot sa mga gilid niyon. Kinukuhanan yata siya ng picture ng tinamaan ng magaling. "A-ano kamo?" Itinuro niya si Knox. "Yan? Pinuno ng mga aswang?"
Pinalis ni Knox ang kamay ni Seraphiel. "Kung maka-'yan' ka parang non-living thing ako ah."
Nangingiting umiling si Seraphiel at itinaas ang dalawang kamay. "Woah... No offense meant, pero talagang bagay kang naging leader nila, Barton."
Ngumiti si Kaio. "Kita mo na, Ginoo—"
"Pwede, Knox na lang o Barton? Hindi ako sanay sa pormalidad," singit ni Knox.
Tumango si Kaio. "Kung ano ang iyong nais." Binalingan nito si Seraphiel. "Ikaw, saang pugad ka nabibilang?"
Nganga ang Seraphiel. "Pugad?"
"Oo, ang iyong kina-aanibang pangkat, at ano ang iyong pangalan? Alalay ka ba ni Gi—Knox?"
Napatawa na naman si Seraphiel na naging sanhi ng pagpitlag ng ilang aswang. Nakakagulat naman kasi ito. "Hindi ako alalay niyan, FYI, miyembro ako ng Archangels—"
Biglang sumingasing si Kaio at umatras, umabante naman ang mga aswang at kahit na anyong-tao ay naghanda sa pag-atake.
"Archangels?! Knox, nagdala ka ng kalaban sa aming kuta!" galit na pahayag ni Kaio na tila asong nanggigigil.
Umiling si Knox at pinigilan si Seraphiel na iniamba na ang baril sa mga aswang. "Hindi, teka, magpapaliwanag ako. Isa lang itong hindi pagkaka-unawaan."
"DATI," singit ni Seraphiel. "DATING MIYEMBRO ng Archangels. Hindi ninyo kasi ako pinatatapos magsalita, guys."
"Paano kami maniniwala sa iyo—sa inyo?!" tanong ng isang babae na halos nakadapa na sa lupa sa sobrang baba ng paggapang.
Muling pumagitna si Knox. "Makinig sana kayo. Nagsasabi ng totoo si Seraphiel—that's his name, dati siyang Archangel, pero watak-watak na ang grupong iyon, isa pa... hindi ba ninyo naaamoy ang lansa niya—I mean ang amoy ng isang aswang sa kanya? Katulad din natin siya."
"Oo, oo, yon ang totoo, ayaw ninyo muna kasing aalamin ang buong istorya." Kabado man ay nagmama-angas pa rin si Seraphiel. Kunwari hindi apektado pero ninenerbyos naman.
Natahimik naman ang grupo ni Kaio at suminghot-singhot. Pagkakuwa'y umugong ang bulungan ng mga ito.
"Amoy aswang at synthetron. Kakaiba."
"Sabihin mo, isa ka bang synthetron na nakagat ng aswang?"
"Oo, mandarago to be exact," tugon ni Seraphiel.
Tahimik pa rin at nakamatyag lamang ang mga aswang. Beast mode pa rin.
Nabwisit si Seraphiel. "Kung ayaw ninyong maniwala—huwag!" Hinaklit nito ang braso ni Knox. "Aalis na kami nitong leader ninyo."
"Teka,Seraphiel, hindi pa natin nasasabi ang pakay natin," wika ni Knox at ipinagpag ang kamay ng lalaki.
"Sandali! May sinasabi si Knox, huwag mong pilitin ang ayaw!" ani Kaio.
Lihim na napangiti si Seraphiel. Ang aarte ng mga aswangna iyon, si Knox lang naman ang katapat. Binitiwan niya ito at hinarap ang mga aswang. "Sabihin mo na'ng kailangan natin at nang nakaalis na tayo. Mahalaga ang bawat oras."
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Ciencia FicciónIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage