KILOMETER 27
0831HOURS, 02/15/2120
BINABAGTAS ng isang lumang Bugatti Chiron ang kahabaan ng kalsada patungong Stravos Research Facility o StReFa. Sakay nito ang dalawang magkapatid na lalaki. Ang isa ay nasa edad 24, habang ang isa ay 17 lamang. Kapansin-pansin na maliit at payat ang nakababata kumpara sa tunay na edad nito.
Nang marating ng dalawa ang pakay na lugar ay nagwika ang mas bata, “Kuya, sigurado ka na ba rito? Saan tayo kukuha ng panggastos?”
Ngumiti ang panganay at inalis ang seatbelt. “Sagot na 'yon ni Sen. Romano, ipangangampanya ko naman siya, e.”
Pagkababa sa sasakyan ay dumiretso agad ang mga ito sa poste ng tatlong receptionist sa labas ng StReFa.
“Pangalan. ID number. Reason for visit. Scheduled or walk in,” seryosong sabi ng isang receptionist habang iniaabot ang tig-isang form.
Matapos sagutan ay ibinalik iyon dito ng magkapatid. “Tingin sa pulang ilaw,” anito.
Sumunod ang dalawa, pagkatapos ay pina-press sa isang nagbi-blink na button na sukat ang hugis sa hinlalaki.
Iniabot sa kanila ang tig-isang stainless IDs na may strap na may tatak at simbolong triskel ng Stravos.
“Paglabas n'yo ng facility isosoli n'yo 'yan, magagamit n'yo uli 'yan 'pag bumalik kayo rito, pero kung may dala kayong deadly weapon, iilaw 'yan ng asul at hindi kayo makakalampas sa mga scanner,” paliwanag ng receptionist.
“Salamat po,” anang nakatatandang kapatid na ginaya ng bunso.
“Pasok na.” Emotionless pa rin 'yong receptionist, feeling synthetron.
*****
HABANG papasok sa pasilidad ay minamasdan ng nakababatang kapatid ang ID n'ya, stainless iyon pero may colored picture at thumbprint n'ya.
“Ang galing nito, kuya,” anito.
“Haytetch 'no?” Nakangiting baling naman ng mas matanda. “'Yan ang magsisilbi nating access sa lahat ng for public use na ammenities dito.”
“Ang cool naman.”
“O, halika na sa help desk.”
Lumapit sila sa isang istasyon ng mga nurse. “Excuse me.”
Nang lumingon ang isang nurse ay ibinigay ng nakatatandang kapatid ang kanilang mga ID dito.
Kinuha nito iyon at i-s-in-wipe sa scanner bago muling ibinalik sa kanila, lumabas ang record sa virtual monitor at kusang nag-print ng dalawang results at dalawang copy of results na itatago naman sa files ng magkapatid.
Ngumiti ang nurse at binasa ang results bago muling bumaling sa kanila at lumabas ng station. “Dito tayo, sumunod kayo sa 'kin.”
Inusisa naman ng iba pang nurse ang naiwang copy of results.
“Ano'ng pangalan no'ng matangkad?”
“Hala, alin dito sa dalawa?”
“Basahin n'yo na lang kasi.”
Name: Renzel Yee
ID number: BRY-20960527-271
Reason for visit: To hospitalized my brother
Scheduled: √ Walk-in:
Name: Hansel Yee
ID number: BHY-21030916-98
Reason for visit: To cure my cancer
Scheduled: √ Walk-in:
*****
SINAMAHAN ng nurse sa head ng pediatrics ang magkapatid. Sa edad daw kasi ni Hansel ay pediatrician pa rin ang dapat na humawak ng kaso nito.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Ciencia FicciónIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)