NAPAHAWAK sa kanyang noo si Knox. Ayaw niyang maniwala, hindi siya naniniwala na wala na ang team niya. Bakit magkakaganoon? Sila ni Roue ang nasa mapanganib na sitwasyon at lugar, pero sina ND ang nadisgrasya? Bakit?
"Kinuel, nagsasabi ng totoo si Mikhail. Tingnan mo ang mga marka ng gulong, by the looks of it, mabilis ang takbo ng RV at hindi kaagad kumagat ang preno," ani Juviel, isa sa mga dating kasamahan ni Knox sa Archangel.
"Posible ngang nangyari 'yon, we know how reckless a driver Tina was," sang-ayon naman ni Roue.
"I want to see the RV," aniya.
"Para saan pa?" kontra ni Mikhai, "Hindi namin alam kung nasaan na 'yon, baka binakal na ng scavengers at—"
"I won't believe you, unless I see a concrete evidence!"
"Malamang na nasa Wrecked site 'yun, doon tayo magpunta, Cap," suhestyon ni Roue.
"Right. Sa Wrecked vehicles site. Bring us there," aniya.
Tumango si Mikhail. "Kung 'yan ang gusto n'yo." Binalingan nito ang mga kasama. "Boys, let's go."
Habang nagbibiyahe ay isip nang isip si Knox. Maniniwala ba s'ya kay Mikhail? Hindi maganda ang naging paghihiwalay ng landas nilang mag-ama.
"Most priced possession ni ND ang hat na 'to," mayamaya'y wika ni Roue.
Napalingon s'ya rito. "Sa kanya ba talaga 'yan?"
Tumango ito. "Maraming fingerprints n'ya rito."
Sumandal s'ya sa bakal na dingding ng trailer at tumanaw sa bintana nitong salamin at grills. Custom-built iyon kung kaya may bintana. "Pinipilit kong isaksak sa ulo ko na ligtas sila."
"Pero?" tanong ni Roue.
"Pero sa mga ebidensyang lumalabas, una ang sumbrero ni ND, tapos ang pagka-reckless driver ni Tina, at ngayon, pinatunayan mo pang kay ND nga 'yan. Parang humihina ang loob ko."
"Cap, to see is to believe, hangga't hindi natin nakikita sina ND, 'wag tayong mawalan ng pag-asa."
"Kung nilapa nga sila ng Level 10s, anong makikita natin?"
Nagkibit-balikat si Roue, sasagot pa sana ito nang nilapitan sila ni Juviel.
"Kinuel, kamusta ka na?" anito, pinagsalikop ang dalawang kamay na parang nagdarasal, fingers-laced sa tapat ng gitna ng dibdib nito at bahagyang yumukod.
Ganoon din ang ginawa ni Knox, bago sumagot, "Nakikita mo naman, hindi mabuti, by the way, this is Roue, teammate ko. Roue, si Juviel."
Binati din s'ya nito sa paraan ng pagbati nito kanina. "Ikinagagalak kitang makilala, Roue. Ang kaibigan ng aming kapatid ay kaibigan din namin."
Tumango lang s'ya at pilit na ngumiti. Nawi-weirduhan si Roue sa mga Archangel na ito, lahat ng pangalang narinig n'ya may 'el', may secret handsign pa, at bukod doon, lahat ng miyembro ay may kahabaan ang buhok na nakatali sa likod, katulad ng buhok ng isang karakter sa isang sinaunang pelikula. Yun bang si Legolas ng Lord Of The Rings. "Ah... Salamat," nakangiwi n'yang tugon.
Ngumiti si Juviel. "S'ya nga pala, maaari ko bang malaman kung ano talagang ginagawa n'yo sa Volsungga?"
"Classified Information," tugon ni Knox.
"Ikaw naman, Kinuel, para namang wala tayong pinagsamahan," nakangiti pa ring sagot ni Juviel.
"Pasensya na, but we can't let a sensitive info be known to the public," sagot naman n'ya.
"Napakatapat n'yo naman, kahit na inabandona kayo ng gobyerno ay loyal pa rin kayo," ani Juviel.
"Walang nag-abandona sa amin, its just that, we ran out of luck," wika ni Knox.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage