♪♪(It starts with)
One thing I don't know why
It doesn't even matter
How hard you try
Keep that in mind,
I designed this rhyme
To explain in due time
(All I know)
Time is a valuable thing
Watch it fly by as the pendulum swing
Watch it countdown
To the end of the day
The clock ticks life away
(Its so unreal)♪♪NATATAPAKAN na niya ang luray na bangkay ng mga scientists, pero ano bang pakielam niya? Sa ganoon man lang ay makaganti siya sa mga ito, yung ibang buhay pa ay tila nakahinga nang maluwag nang makitang handa siyang lumaban.
Gusto niyang durugin din ang mga ito. Akala yata ay ipagtatanggol niya ang mga ito.
'Asa' Sina Marco at Nivla ang dahilan kung bakit siya lalaban.
Nagpakawala siya ng sunod-sunod na suntok sa isang patakbong lumapit sa kanya. Halos madurog ang mukha nito. Sunod-sunod na ring nagsisugod ang iba pa.
"MOVE! MOVE! MOVE! RUN WHILE WE STILL CAN!" sigaw ng isang Synthetron, ay nagpulasan ang mga naroon.
♪♪Didn't look out below
Watch the time go right out the window
Trying to hold on
But didn't even know
I just wasted it all just to
(Watch you go...)
I kept everything inside
And even though I tried,
It all fell apart
What it meant to me
Will eventually be a memory of a time when...I tried so hard
And got so far
But in the end
It doesn't even matter
I had to fall
To lose it all
But in the end
It doesn't even matter...♪♪Marami ang kalaban niya at kaniya pang mga kauri, kung tutuusin dapat ay kakampi niya ang mga ito laban sa mga siyentipiko at gobyernong siyang dahilan kung bakit sila nagkaganoon. Ngunit iniisip na lamang niya na kung papanig siya sa mga Level 10 ay maaari pang makaperhuwisyo ang mga ito. Hindi niya alam kung anong naglalaro sa isip ng mga ito, ngunit ayon sa mga scientists, siya lamang ang nasa matinong estado. Ang iba pa ay tila nasiraan na ng bait.
May kumagat sa kaniyang braso, ipinagpag niya iyon. Ang isa naman ay nakangangang pasugod sa kanya, ipinasok niya ang kamay sa bibig nito at ibinalibag ito sa iba pang parating, ginawa niyang panghalibas sa iba pa. Pati si Jasmine ay panay ang tilapon sa bawat bigwas niya.
'Jasmine...'
Napakabangis ng itsura ni Jasmine, duguan na ito pero lumalaban pa rin, talagang wala na sa sarili.
"JAHHHHAASSMEEEEHHHNNN, AHHHHNNNHHHHOOOONNG NHAAANGYAREHHHH SHAAA'YOHHHH!!?!?" tanong niya sa boses na parang nagngangalit na kulog.
Imbes na sumagot ay umatungal lang ito at ang iba pa, muli siyang sinalakay ng mga ito. May kumagat sa kaniyang leeg, braso, binti at kung saan-saan pa, may pilit humihila sa kaniyang mga braso at tila gusto iyong paghiwalayin.
Nag-igtingan ang kaniyang mga kalamnan, dinakot niya sa ulo ang isa at ipinagpag iyon sa iba pa, dinurog niya ang ulo nito pagkatapos. Masakit ang mga bahagi niyang nakakagat at nakakalmot ng mga ito, pero pilit siyang kumakawala.
Nang mapalingon siya sa pinto ay nakalabas na ang huling Synthetron. Si Nivla, sinaluduhan siya nito bago tuluyang tumakbo. Nagpakawala siya ng malalim na hininga, wala nang madadamay pa sa gulo nila ng iba pang Level 10.
♪♪One thing I don't know why
It doesn't even matter
How hard you try
Keep that in mind,
I designed this rhyme
to remind myself how
(Itried so hard)
in spite of the way you were mocking me
acting like I was part of your prooerty
remembering all the times
you fought with me
I'm surprised it got so far
things aren't the way they were before
you wouldn't even recognize me anymore
not that you knew me back then
but it all comes back to me
(in the end)♪♪Hindi na siya nagkontrol pa sa kaniyang sarili. Wala nang madadamay kaya lumaban na siya nang todo, gayunpama'y hindi niya makuhang saktan nang matindi si Jasmine. Isinasalya niya lamang ito, pinalalayo, habang ang iba ay niluluray niya. Winawasak niya ang katawan ng mga kauri niya dahil wala na rin namang pag-asa ang mga ito. Kailangan niyang pumili. Kung hahayaan niya ang mg ito, maaaring makatakas ang mga ito at makapanakit. Kaya masakit man sa kanya, at alam man niya na tulad niya ay biktima rin lamang ng pagmamarunong ng iba ang nangyari sa kanila. Kailangan niyang piliin ang kaligtasan ng mga normal na tao.
Kailangan niyang patayin ang mga tulad niya.
♪♪you kept everything inside and even
though i tried,
it all fell apart
what it meant to me
will eventually be a memory of a time whenI tried so hard
And got so far
But in the end
It doesn't even matter
I had to fall
To lose it all
But in the end
It doesn't even matter...♪♪Hinihingal na siya nang iumpog niya sa semento ang bungo ng isang Level 10, nang hindi na ito kumilos ay pasalampak siyang napaupo, pagod na pagod. Ngunit hindi siya pwedeng magpahinga, meron pang isa.
Nasaklot niyon ang kanyang leeg at inihampas siya sa pader. Hindi siya makalaban. Inabot niya ang braso nito at buong lakas na ibinaon ang kaniyang mga kuko.
Ang sakit sa ulo ng sigaw ng napinsalang Level 10, nabitiwan siya nito. Susugurin pa sana siya nito pero sinalubong niya ito ng malaking tubong bakal at itinuhog iyon sa katawan nito, dire-diretso siyang tumakbo hanggang sa bumaon din sa pader ang tubo. Binaluktot niya iyon at itinuhog sa leeg nito. Sigaw lang ito nang sigaw.
Inilibot niya ang tingin sa silid. Tapos na...
Si Jasmine? Nasaan si Jasmine?! Patakbo siyang lumabas ng silid, at naabutan pa niya sa Plane 9 ang bangkay ng mga scientists at synthetrons na kanina ay nakatakbo pa. Nanlumo siya nang makita ang isang pamilyar na vest ng Synthetron.
Marco B057810
'Kuya Marco...' Wala ang katawan nito, pero duguan at luray-luray ang vest nito. Para siyang tinadyakan sa dibdib. Pero nagpakatatag siya. Kahit halos naghahalo ang pagkatakam at pagbaligtad ng sikmura sa mga lamang-loob na naroon ay hinanap niya si Nivla at Jasmine.
Napapitlag siya nang muling may marinig na tunog ng sumabog na kuryente.
Sinundan niya ang pinagmulan ng tunog, naamoy rin niya si Jasmine.
"Hinde!!!" sigaw ni Nivla na tangay ni Jasmine sa bewang.
"KUUUUUHHUUUUYAAAAHHHH!!!" Wala na siyang magagawa, masakit man sa kaniya ay sinugod niya si Jasmine at dinukot ang puso nito...
♪♪I've put my trust in you
pushed as far as i can go
for all this
theres only one thing you should knowI've put my trust in you
pushed as far as i can go
for all this
theres only one thing you should know...♪♪Napaluhod siya sa duguan at walang buhay na katawan ni Jasmine. Unti-unting bumalik ang dati niyang anyo.
"J-Jasmine..." umiiyak niyang sabi.
Nadama niyang tinapik siya sa balikat ni Nivla. "S-siya b-ba si Jasmine...?"
Hindi siya nakakibo. Iyak lang siya nang iyak.
"Hansel... P-patawad... Hindi mo na lang s-sana ako iniligtas..."
Umiling siya. "Mas importante ka, Kuya Nivla...T-tao ka, h-halimaw si J-Jasmine..."
"Hindi... Nakagat niya ako... Wala ring silbi na nabuhay ako," malungkot nitong sabi.
Nilingon niya ang duguang si Nivla. "Anong i-ibig mong sabihin, Kuya?"
"I-infected na 'ko... Magiging Level 10 na rin ako..."
♪♪I tried so hard
And got so far
But in the end
It doesn't even matter
I had to fall
To lose it all
But in the end
It doesn't even matter...♪♪__________
Song used: In The End by Linkin Park

BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage