NAIILANG si Iris sa paraan ng pagtitig sa kanya ng babaeng tinulungan nila, may malay na ito, at nasa maayos na ospital ng HOB.
"Ahm... Hi, ako si Iris, ikaw, anong pangalan mo?"
Kumurap lang ito.
Nakiramdam siya, hindi kaya pagkain ang nakikita ng babaeng ito sa kanya? Pa'no kung bigla na lang siyang dambahin at lapain nito?
"Iris...?" maya-maya'y sabi nito.
Tumango siya at lumingon sa pinto, ang tagal namang bumili ng pagkain ni ND, si Tina at Jessa naman, natutulog sa Revenger, ang mga ito kasi ang nagbantay sa babae magdamag, ngayon ay sila naman ni ND ang nakatoka.
"Oo, Iris ang pangalan ko, ikaw?" ulit niya.
Matagal bago ito sumagot. "Pangalan?... H-hindi ko alam, hindi ko maalala..."
*****
PARANG pinagsakluban ng langit at lupa si ND sa nalaman, nagka-memory loss daw ang aswang na nakuha nila. Ang inaasahan nilang makakatulong upang makilala nila si YiHan.
Ayon sa doktor na tumingin dito, wala namang concussion sa ulo nito, ang mga sugat sa katawan ng babae ay hindi maaaring maging dahilan ng pagkawala ng alaala nito, it must be the trauma she got from the beatings that made her shut her memory down.
Sabi ni Iris at Jessa ay posible talagang mangyari ang ganoong kaso. Ang may katawan na mismo ang pumapatay sa sarili nitong memorya para kalimutan ang mga pinagdaanan nito, pwede rin daw na hindi naman nagka-amnesia ito, kundi nagkaroon lang ng delusional na pag-iisip at ina-assume ang ibang katauhan, 'yun bang tinatawag na fugue.
"Subukan din natin s'yang kausapin, baka kung pipilitin natin, makakaalala s'ya," suhestyon ni Tina.
"Baka lalong makasama kung gagawin natin 'yan, baka magwala pa s'ya," sagot ni Jessa.
"Tina, ND, hindi n'yo ba s'ya namumukhaan?" ani Iris na titig na titig dito.
"Huh? Hindi. Bakit? Bukod ba sa Stravos RF, nakita mo na s'ya sa ibang lugar?" sagot ni ND.
Ilang saglit pang minasdan ni Iris ang natutulog na babae, pagkatapos ay umiling. "Ewan, baka nagkakamali ako, hindi ko rin kasi maalala,"
"Baka ikaw ang may amnesia," natatawang sabi ni Jessa.
Ngumiti lang si Iris at muling ibinaling ang tingin sa babae. Sa hindi malamang dahilan ay si Knox ang pumapasok sa isip n'ya kapag tinititigan n'ya ito.
Ex ba ito ni Knox? 'Luh... Pa'no mangyayari 'yun? aniya sa sarili.
Ipinilig n'ya ang ulo. Hindi bale, gagawin niya ang lahat para bumalik ang alaala ng aswang na ito.
Hindi nagmumulat ng mga mata si Abigail kahit na kanina pa s'yang gising. Aware s'ya na s'ya ang topic ng mga nasa labas ng silid, alam din n'ya na sinisilip s'ya ng mga ito sa salamin sa pinto.
Paniwalang-paniwala ang mga ito na wala syang naaalala, gayong ang totoo ay malinaw pa sa purified water ang memorya n'ya. Ayaw lang n'yang sagutin ang tanong ng mga ito, ang gusto n'ya lang ay gumaling at resbakan sina Mikhail.
*****
LUMAPIT si Mikhail sa grupo nina Yeshiel na nag-aasikaso sa mga namatay na Arkanghel. Maswerteng na-recover pa ang mga ito kahit tigkakaunting bahagi na lang ng katawan ang natira.
"Nakita na ba sina Kinuel?" tanong ni Mikhail.
Ipinasok ni Yeshiel sa incinerator ang katawan ni Zadikiel. "Hindi. Pero and'yan na si Ythuriel at Seraphiel, binantayan daw ni Ythuriel ang kapatid n'ya, magdamag,"
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage