Chapter 14

79 6 0
                                    

WALANG ideya si Abigail kung saan s'ya dadalhin ng dalawang Synthetron na ume-escort sa kanya. Patingin-tingin s'ya sa mga ito, isang babae at isang lalaki.

Gaya ni Roue ay seryosong-seryoso din ang mga ito.

'Mga ipinaglihi sa sama ng loob,' she thought.

Iginiya s'ya ng mga ito sa isang silid, may iba pang Synthetron doon, at mga kasapi ng gobyerno.

"Salamat, pwede n'yo na kaming iwan," anang isang lalaking naka-americana.

''luh, anong meron?'

"Ms. Abigail Custodio, have a seat," anito sa kanya.

Pinigilan n'yang mandilat ang mga mata, hindi n'ya sinabi sa mga ito ang pangalan n'ya, napanggap s'yang may amnesia, pero pa'nong nalaman ng mga ito ang tunay n'yang pangalan?

Huminga nang malalim yung lalaki. "'wag ka nang magulat, nalaman namin ang tunay mong pangalan from them." Iminosyon nito ang isang salamin sa harap nila.

Sarili lamang n'ya ang kanyang nakita roon kanina, pero nang muli n'yang harapin ay may nabuhay na ilaw roon at nakita n'ya ang apat na kalalakihang mahahaba ang buhok na nakaupo at nakapalibot sa isang mesa na nasa silid sa likod ng salamin.

Nakilala n'ya ang dalawa sa mga ito, si Uriel at Raguel, pero hindi s'ya nagpahalata, kahit na gustung-gusto n'yang itanong kung naroon din ba si Seraphiel.

"Nakikilala mo ba sila?" tanong muli nung lalaki.

Umiling s'ya.

"They're members of the Legion of Archangels Private Security Group. Ang sabi nina Neodymium, nakita nila na hinuli ka ng Archangels, and after a few weeks, nakita ka nilang muli, maraming sugat, at tumatakas sa kanila," anang sundalo na 'Zamora' ang nameplate.

'Kasama ba si Seraphiel?' "Uhm... S-sila ba ang gumawa nito s-sa'kin?" acting pa more.

Tumango yung naka-americana. "Yeah, inamin nila, They even mentioned a certain Seraphiel na s'ya raw nanakit nang husto sa'yo."

'Oo! S'ya talaga! Ang bwisit na 'yon!'

"Pero hindi pa rin sila umaamin na nasa kanila ang project namin."

'Si YiHan... I know who he is,'

"B-bakit nila inamin a-ang ginawa n-nila sa'kin?" gusto n'yang palakpakan ang sarili sa husay n'yang umarte.

"Dahil d'yan." Itinurong muli ng lalaki ang salamin.

Halos mapasigaw s'ya sa nakita, pinahihirapan ang mga Archangels sa pamamagitan ng pagpaso mainit na bakal sa mga hita.

Hindi man n'ya naririnig dahil soundproof ang buong silid ay alam n'yang ganoon na lamang ang palahaw ng mga ito sa matinding sakit.

Sa iisang bahagi lamang itinututok ang bakal, kaya naman palalim lamang nang palalim ang sugat na halos sinlaki na ng softdrink in can.

Naglaway s'ya sa nakikitang laman, kaya agad s'yang napalunok.

"Aster, pakilayo na si Ms. Custodio, she's starting to change," ani Zamora na marahil ay nakita ang kanyang pagkatakam.

"OK, sir," anang lalaking naka-americana tsaka s'ya inakay palabas.

Inihatid pa s'ya nito sa kanyang silid, akala n'ya'y iiwan na s'ya nito, pero isinalya s'ya nito sa pader sa labis n'yang pagkagulat.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon