PROLOGUE"BRAD, andaming patay na Level 10 ano? Ano kaya ang may gawa noon? Nakakakilabot na ang nangyayari sa mundo," anang isang embalmer sa kapwa nito embalmer.
"Oo nga eh, narinig ko sa usap-usapan nina Sir Aster kanina na baka panibagong klase ng halimaw na naman ang may kagagawan noon, isipin mo nga naman—Level 10. Naluray nang ganoon katindi?"
"Sana naman eh mga Synthetron ang may kagagawan noon, narinig ko rin kasi na gumamit raw ng bala ng Kasanov ang kung sinumang pumatay sa mga Level 10, posible—"
"Oi! Kayong dalawa! Bilis-bilisan ninyo riyan! May dalawa pang patay sa conference room!" biglang bulyaw ng isang Synthetron sa mga embalsamador.
"Opo, Sir, pasensiya na!"
Agad na ipinasok sa loob ng incineration room ang bangkay ng babaeng pinagbabaril ng isa sa dalawang lalaking napatay rin ng mga Synthetron sa conference room. Iniayos lang ng dalawa ang babae at nagmamadali nang lumabas upang balikan pa ang dalawang bangkay.
Pagkasarado ng pinto ay agad namang bumaligwas ng bangon ang babae at umuubong hinabol ang hininga. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kinapa ang mga butas sa kaniyang katawan.
Positibo, may mga tama talaga siya ng bala, napakasakit ng mga sugat na dulot niyon at hindi maampat ang pagdurugo. Kung hindi iyon mapipigilan ay tiyak na mamamatay siya—pero teka.
Hindi nga ba't patay na siya?
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage