1745HOURS
SOMEWHERE NEAR MT. CLAVERIO, PHILIPPINES"Papalubog na ang araw..." pakantang sabi ni Juviel habang nakatanaw sa kanluran. Nakaupo ito sa ibabaw ng trailer, nakalawit ang isang paa at nakataas ang isa.
Palinga-linga ang iba pang Arkanghel. Pasipol-sipol si Uriel habang pinakikislap ang makislap nang punyal, si Raphael naman ay panay ang jumping jacks, si Gabriel ay naninigarilyo habang palakad-lakad. Lahat ay may kaniya-kaniyang pinagkaka-abalahan habang naghihintay ng pagdilim.
Hinanap ni YiHan si Mikhail, nakita niya itong nasa bandang hulihan ng parada ng mga truck, kausap nito si Seraphiel, mukhang seryoso ang mga ito. Ilang saglit pa ay ngumiwi ang nakababatang Arkanghel, sinenyasan ito ni Mikhail na tumakbo, ganoon nga ang ginawa nito, mabilis na pumasok sa loob ng gubat si Seraphiel, walang nakapansin dito, si Mikhail naman ay pasimpleng umabante at naglakad patungo sa direksyon nila, nagpanggap siyang walang nakita.
"OK, boys! Any moment now and the—"
Biglang may umatungal nang ubod-lakas mula sa likuran ni Juviel, isang Level 10.
"Get the party started!" sigaw ni Juviel tsaka pinagbabaril ang halimaw.
Nataranta agad siya. Bakit ganoon?! Ang sabi nina Mikhail ay hindi lumalabas ang mga Level 10 kapag may araw, hindi pa naman tuluyang lumulubog sa kanluran ang araw ah? Bakit may ganito na? Hindi niya malaman ang gagawin, makikibaril ba siya o tatakbo gaya ng iba?
Bakit tumatakbo yung ibang Archangels? Ang akala niya ay matapang ang mga ito? Ano bang nangyayari?
"Ythuriel! Stay behind me!" ani Gabriel na nakaipit sa labi ang nangangalahating sigarilyo, bahagya siya nitong nilingon habang sige sa pagbaril sa isa pang Level 10.
"H-huh? Ah—"
"SABI KO DITO KA SA LIKOD KO!"
"O-OO!" Patakbo siyang lumapit dito.
"Ythuriel! Out of the way!"
Nabigla siya nang marinig ang bago niyang pangalan, nakita niya ang pagdating ng isang granadang palapit sa kanya.
"Tabe! Tabe!" sigaw ni Uriel na siyang naghagis noon.
Split second lang ay sumabog ang granada may ilang talampakan mula sa kanya. Tumilapon siya sa gubat.
Dinig pa niya ang sigawan ng mga kasamahan nang humagis siya. Kinapos siya ng hininga nang humampas ang kaniyang dibdib sa isang puno, agad din siyang bumangon at tumakbo papasok sa pusod ng gubat. Naririnig niya kasi ang yabag ng mga Arkanghel, mukhang hinahanap siya ng mga ito, hindi siya maaaring makita nang mga ito na buhay at may konting galos lamang. Tiyak na magtataka ang mga ito.
Hindi niya alam kung gaano kalayo na ang kanyang natatakbo nang biglang may dumamba sa kanyang likod. Padausdos siyang bumagsak sa lupa habang nakasampa pa rin sa likod niya ang anumang nilalang na iyon.
"Hansel, magpapalit-anyo ka na ba?" anito.
"S-Seraphiel?" Nakilala niya ang boses nito. Sinubukan niyang bumangon pero idiniin nito ang pisngi niya sa lupa.
"Anong klase kang aswang?" Sininghot-singhot nito ang kanyang buhok.
Naamoy rin niya ang kakaiba nitong lansa. Anong klaseng amoy 'yon? Nakakasuka!
"Hindi ka naman Mandarago... Tiktik o manananggal. Kakaiba ang amoy mo—"
"Bitiwan mo 'ko!" Buong lakas siyang umigpaw kaya nakawala siya sa ilalim nito. Gayon na lang ang gulat niya nang makita ang itsura ni Seraphiel. Napaatras siya.
Ngumisi lang ito. "Huwag ka namang ganyan makatingin. If I know, pareho lang tayo."
Umiling siya. "A-ano ka?! P-paano ka nakasama sa Archangels gayong... Ganyan ka?"
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science-FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage