PROLOGUE
Ang pinakahihintay na pagbabago ay nakamit ng mga Pilipino nang manalo sa halalan ang pinaka-astiging presidential candidate ng 2016 elections. Inilampaso ng naturang kandidato ang lahat ng kanyang kalaban, pumangalawa sa kanya ang kandidatong hindi masyadong makapangampanya dulot ng itinatagong kalagayan ng kalusugan.
Syempre pa ay hindi iyon matanggap ng tatlong pabebeng kandidato na siyang pinakamaiingay at talamak ang mud-slinging.
Ngunit wala naman silang magawa kahit maghumiyaw sila na may naganap na dayaan. Walang mahanap na patunay ang tatlong bitter dahil wala naman talagang manipulasyon na naganap, sadya lamang naging matalino na ang mga botante sa pagpili ng karapatdapat na iluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa...
Sa loob ng anim na taong panunungkulan ng nahalal na pangulo ay talagang napakalaking pag-asenso at pagbabago ang naganap, nabawasan ang lahat ng uri ng krimen.
Lumakas ang industriya ng bulaklak sa Mountain Province kung kaya nag-iba ng linya si Carrot Man, imbes na Carrots ay mga bulaklak na ang kanyang inani, kaya imbes na Carrot Man ay binansagan siyang HalaMan. Sa Batangas, humina ang industriya ng balisong dahil hindi na kailangan ng mga tao ng armas na pamprotekta sa sarili sa napakapayapang bansa, bagkus ay tumaas ang demand ng kapeng barako. Sa Laguna naman ay lalong umunlad ang paggawa ng mga Barong Tagalog. Lumaganap ang mga factory ng biscuit at cookies, kung kaya't dumami ang trabaho, halos wala nang Pilipino ang walang trabaho. Wala nang nagugutom, wala nang naghihirap.
At lahat ay dahil sa kapayapaan, lahat ng masasamang-loob ay shoot to kill, patay kung patay. Isa pang lalong umunlad ang mga punerarya, sa tindi ng pagsikat ng industriya ng punerarya, mayroon nang masteral ang pagiging embalsamador. Bachelor of Science in Anatomy Major in Embalming.
Napasakamay din ng bansa ang soberanya sa West Philippine Sea at lahat ng islang naroroon, ipinatapon sa China ang mga intsik na naninirahan sa mga islang kanilang ginawa. Nagkaisa ang buong mundo na patayuan ng higanteng bakod ang palibot ng China, hindi na maaaring makalabas ng bakod ang mga mamamayan noon. Lalong naging payapa ang mundo.
Anupa't hinangaan hindi lamang sa Asya kung 'di sa buong mundo ang naiibang pamamalakad ng bagong pangulo sa Pilipinas, sapagkat siya ang nanguna sa paglaban sa mga intsik.
Nang sumunod na halalan ay muling kumandidato ang naturang pangulo, walang nangahas na lumaban sa kanya, landslide victory muli. Marami pa ring pagbabago ang naganap, naitayo ang mga dagdag pang istruktura, paaralan, mga mall, tulay, kalsada, ospital at kung anu-ano pa.
Umabot ng tatlong termino ang kanyang panunungkulan, gustung-gusto ng mga Pilipino ang pamamalakad ng mahal na pangulo, sa ikatlong pagkakahalal ay napagtuunan ng pansin ang siyensya. Magulo pa rin sa Middle East at ibang panig ng mundo dulot ng terorismo, kung kaya't naisipan na ng pangulo na magpadala ng mga sundalo sa mga magugulong bansa upang makatulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan, ngunit dala ng labis na gera, marami pa ring casualties of war, dito pumasok ang ideya ng paglikha ng mga sundalong may higit na lakas kesa sa normal na tao. Nagkaroon ng pag-aaral upang maisakatuparan iyon. Isinagawa ang mga pananaliksik sa pinaka-advance na research facility sa Asya na ipinatayo sa ikalawang termino ng pangulo. Ang Stravos Research Facility.
Ngunit dala ng katandaan, hindi na niya natapos ang ikatlong termino, namatay sa panunungkulan ang astiging presidente. Napakaraming pending na proyekto na hindi alam ng kanyang mga tauhan kung paano tatapusin ang naiwan.
Ang maunlad na bansa ay nasa bingit na naman ng pagbagsak. Ang pumalit sa nabakanteng posisyon ay ang pabebeng ex-presidentiable na kinukwestyon ang citizenship.
Sa kakulangan ng karanasan, muling naghikahos ang bansa. Napasailalim ng mayayamang mamamayan ang pamamalakad sa Pilipinas, nawalan ng silbi ang pangulo. Ni ayaw nang tawaging president, bagkus ay manager na lamang.
Taong 2032 nang tuluyang palitan ang tawag sa lider ng bansa. Ang President ay tuluyang ginawang Commander in Chief, na iba pang termino ng mga militar sa pangulo. Second in Command naman ang bise-presidente.
Sa tuloy-tuloy na pagbulusok ng ekonomiya, ay lumalago naman ang kaguluhan. Lalong pinag-ibayo ang paghahanap ng paraan upang makalikha ng perpektong mandirigma, ang huling kusing sa pondo ng bayan ay ibinuhos sa kahuli-hulihang proyekto ng namayapang pangulo.
Hindi naman nauwi sa wala ang sakripisyo ng bayan. Year 2054, dalawamput tatlong taon matapos mamatay ang pangulo, natuklasan ang tamang paraan ng paglikha ng mga synthetic humans. Sa wakas, nagtagumpay ang Project: Synthetron.
Muling umunlad ang bansa dahil sa mga synthetrons, nagpadala ng mga mag-aaral ang mga naglalakihang bansa sa mundo sa Stravos Research Facility upang pag-aralan ang paggawa ng synthetrons, at habang hindi pa alam ng ibang bansa kung paano iyon gagawin, bumibili sila ng mga synthetrons sa Pilipinas.
Tuloy ang pag-unlad ng bansa. At habang nilalamon ng siyensya at gera sa ibang bansa ang kamalayan ng mga tao, ang mga aswang naman ay nananatiling tahimik sa kanilang buhay, kumakain kung kinakailangan at nakikisalamuha sa mga tao na walang alam sa kanilang pag-iral...
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science-FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)