“IYON na ba ang PRad at EMag?” tanong ni Knox. Nakatingin ito kay Iris na may hawak na rectangular na kahon.“A-ano?” tanong din ni Gabriel. Sa Level 10s naman ito nakatingin.
“Iyan yata ang sinasabi ni Iris na imbensyon noong Synthetron sa Sommers Island...” sabad naman ni Seraphiel.
Luminga-linga ang mga lalaki. Walang makikitang kakaiba sa paligid maliban sa mga halimaw na bumabagal, lumiliit hanggang sa tuluyang maglaho.
“W-wait...” mahinang bulong ni YiHan, tila nanghihina rin ito. “N-nahihilo ako...”
“Shit,” ani Knox, “Guys, let's go! Iris, leave that thing!” utos nito sa babae, pagkatapos ay dinaluhan si YiHan at inakay palayo.
“I'm sorry!” ani Iris na lumapit sa mga lalaki. “Nalimutan kong Level 10 ka nga pala!”
“Umalis na tayo habang may oras pa!” sabi naman ni Jessa.
Sinamantala ng grupo ang panghihina ng mga halimaw, tumakbo na sila patungo sa Rachelle.
“Kapatid na Ythuriel, kaya mo pa ba?” tanong ni Gabriel.
Tumango si YiHan. “Nanghina lang yata ako dahil sa exposure sa radiation, pero OK lang ako. Bilisan na natin.”
Malapit na sila sa Rachelle nang bulagin sila ng liwanag na nagmula sa headlight ng paparating na mga sasakyan.
“Harrier,” ani Aster, “Mga Harrier!”
Natigilan sila. Humarang sa Rachelle ang isang Harrier at pinababa mula roon ang iba pang Archangel. Samantalang ang iba naman ay sila ang pinupuntirya.
Bumaba sa Harrier ang ibang synthetrons at hinabol sila. Natigilan nagnisa sa mga ito pagkakita kay Knox.
“How on earth—patay ka na, a?!” anito at tinutukan siya ng Kasanov.
“Patay...” aniya.
“Takbo,” wika naman ni Yeshiel.
“Indeed, TAKBO!” ani Seraphiel at nagpatiuna nang humanap ng matatakbuhan.
Umaatikabong takbuhan na naman ang nangyari, paliko-liko ang takbo nila dahil pinauulanan sila ng bala, gumaganti ng putok sina Gabriel para kahit papaano ay ma-distract ang synthetrons at makalayo sila. Sinusundan pa sila ng mga Harrier kaya pumasok ang grupo sa kagubatan ng Mt. Claverio at nagtago sa mga puno.
“This is crazy,” ani Aster, nakasandal ito sa isang puno. “Lahat na lang ba kalaban natin?!” sigaw nito.
“Ganoon talaga,” natatawang tugon ni YiHan, “tayo ang bida e.”
Nagkatawanan pa silang lahat kahit na patago-tago na lang. Naputol lang ang tawanan nang sabay na umatungal ang mga Level 10 na nagtatago rin sa gubat at ang mga sirena ng Harrier na sinasakyan ng mga Synthetron.
🎶Better stand tall when they're calling you out,
don't bend, don't break
Baby, don't back down... 🎶“Professor Cruz, ang PRad!” sigaw ni YiHan nang makita ang mga nanlilisik na mga mata ng halimaw na nasa gubat.
“Iniwan ko!” sigaw rin ni Iris, “iwan ko raw sabi ni Knox, 'di ba?!”
🎵It's my life~
It's now or never
I ain't gonna live forever
I just wanna live while I'm alive~🎵Kahit na naaapektuhan din ng radiation na ibinubuga ng PRad si YiHan ay pinilit nitong magpalit ng anyo at maging Level 10. Kinalaban pa rin niya ang mga halimaw na lumalapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Fiksi IlmiahIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage