NANLALATANG naupo si Iris at ND matapos maipahid kay YiHan ang langis na nakolekta nina Seraphiel, bukod sa napakalansa ay nakakapanghina pala ang amoy niyon."Talagang nakakapanghina para sa normal na tao ang exposure sa langis ng aswang. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit... " Hindi naituloy ni Abi ang sasabihin niya sana. Nahihiya siyang magbigay ng impormasyon sa dati niyang buhay.
"Nanghihina ka rin ba?" tanong ni Roue.
Tumango si Abi. "Medyo."
"OK," singit ni Seraphiel. "Kung tapos na kayo rito, itatapon ko na itong natira. Bumalik na kayo sa inn para hindi na kayo ma-expose sa langis—"
"Duh?" ani Tina. "Sarado na ang inn, its as if papapasukin pa kami kung kakatok kami 'di ba?"
Umangat ang mga kilay ni Seraphiel. "Sabi ko nga, so... paano kayo niyan? Hanggang umagang magtitiis sa amoy at panghihina?"
"Ano pa nga ba?" Minasahe ni Jessa ang sentido.
"K-kailan magigising si YiHan?" tanong ni ND. "Talaga bang mabisa ang langis ng aswang? Ha, Abigail?"
"Iyon ang ginagamit ko noon... Ginagamit namin. Hindi ba't may lahing aswang si YiHan? Maaaring umepekto rin sa kanya ang ginagawa ng mga aswang."
Kumunot ang noo ni ND. "Paano kung hindi? Walang pagbabago sa sugat niya maliban sa bumubula—"
"Iyon na 'yon," singit ni Abi. "Unti-unti nang gagaling ang sugat niya. Maghintay lang tayo."
"At habang naghihintay tayo, sabihin mo na sa amin kung nasaan si Captain, Seraphiel. Bakit hindi pa siya bumabalik? Inihatid pa ba niya ang mga aswang na hiningian ninyo ng langis?" ani Iris.
Alanganing ngumiti si Seraphiel habang nagkakamot ng leeg. "O-oo eh, bale—uy! Gumagalaw si YiHan!"
Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa nakahigang lalaki na kunot-noo habang nakapikit at nakangiwi. Halos daluhungin na ito ni ND habang tinatapik sa pisngi.
"Ythuriel? YiHan? Dude, gising. Gising na!" anito.
"ND, dahan-dahan naman," saway ni Jessa.
Unti-unting iminulat ni YiHan ang mga mata at itinaas ang kamay upang hawakan ang sugat pero pinigilan ito ni Iris.
"Huwag. Huwag mo munang hawakan, hindi pa gaanong naghihilom."
"K-kuya..." bulong ni YiHan.
Kumunot ang noo ni Iris at ND na katabi nito.
"Kuya?" ani Iris.
Tumango si ND. "Oo, narinig ko dati na may kapatid siya. Naging boyfriend pa raw iyon ni Catty."
Naghugis O ang bibig ni Tina at Jessa sa narinig, nagkatinginan pa ang dalawang babae. "Small world huh," ani Tina.
Kunot-noo naman itong nilingon ni Iris. "Napapanaginipan niya ang kapatid niya. Where is this guy? Bakit hindi natin hanapin? Baka makatulong—"
"He's dead," ani Roue. "If you're familiar with the first aswang ever captured; siya 'yon."
"Si Renzel?" sabay na bulalas ni Iris at Abi.
Napadilat nang tuluyan si YiHan. "Kilala ninyo... si Kuya?" mahina nitong tanong.
Napatanga naman ang iba pa sa dalawang babae na nanlalaki ang mga mata.
"Ikaw si Hansel Yee?" anas ni Iris.
"O-oo..." tugon ni YiHan.
Tumulo ang luha ni Iris at niyakap ang lalaki. "I'm sorry... I'm sorry kung hindi ko kayo natulungan... Akala ko, wala ka na..."
![](https://img.wattpad.com/cover/104938238-288-k346074.jpg)
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Ciencia FicciónIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage