Anyo ng Pag-ibig

15 1 0
                                    

Minsan na akong umibig,

Nakita ang iba't ibang anyo nito,

Sa kung paano ito mag sisimula sa mga pahapyaw na sulyap at kung paano ito matatapos sa galit na titig,

Mula sa marahang pag dampi ng palad sa katawan hanggang sa kung paano matapos ito sa pagsara ng kamao,

Iba-iba ang anyo ng pag-ibig at nag babago itong muli sa pag lipas ng panahon,

Sa pagkiliti ng bawat bulong hanggang sa bulahaw na pag bulyaw,

Minsan itong lalapit na may dalang mainit na yakap at minsan din itong aalis na hudyat ng pag dating ng lamig sa buong paligid,

At minsan itong dahilan ng masarap na tulog at dahilan ng pananatiling gising sa hating gabi,

Sa mga matang nangingilala hanggang sa mga matang nais kang kalimutan,

Iba-iba ang anyo ng pag-ibig,

At lahat ng anyo nito ay nakita ko sayo,

Mula sa halakhak at pag luha,

Tahimik na pag lakad at sabik na pag takbo,

Sa mga marahan at mahigpit na pagkapit,

Nakita ko ang lahat ng uri ng anyo nito sayo,

Sapagkat ikaw ang tunay na anyo ng pag-ibig,

Ikaw ang pag-ibig.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon