Halinat pumunta sa siyudad ng pighati at kalungkutan
Lugar kung saan ka makakakita ng mga nakakaakit na ilaw na nagkikislapan,
May mga matatayog na gusali,May mga taong abala sa pag hahanap sa kanilang mga sarili,
Pumunta na sa siyudad ng pighati at kalungkutan,At matamasa ang lungkot na hindi mo pa nararamdaman,Hindi ka nag iisa,Sapagkat halos lahat ng nakatira dito ay hindi na kilala ang saya,
Pumunta na sa siyudad ng pighati at kalungkutan,Dito tayo ang Diyos,Tayo ang batas,Ibitay ang mga buto na nakatago sayong aparador,Huwag kang matakot, dahil tayo tayo lang naman ang makaalam ng iyong sikreto,Dito karamay mo ang sarili mo,Dito kung saan walang mang huhusga sayo,Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa tunay na mundo,Dahil ito ang mundo mo,
Halinat kilalanin pa ang siyudad ng pighati at kalungkutan na ikaw mismo ang may gawa,Oh teka, huwag kang magulat,Dahil ang siyudad na ito ay gawa mismo ng sarili mong utak.
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...