Sa pagsapit ng dilim

43 1 0
                                        



"Takot ako sa dilim,

Ayoko lang kasi sa pag iisip na sa pagkumot ng kadiliman ay may kung ano na nagtatago rito,

Kadiliman ay kakambal ng kamatayan,

At ang kamatayan ay walang kasiguraduhan,

Ayoko sa walang kasiguraduhan,

Gusto ko na ako ang may kontrol sa bawat nangyayari kaya't bata pa lamang ako ay laging bukas ang ilaw ng aking kwarto upang maiwasan ang kadiliman na yayakap sa akin,

Ngunit ngayon napag alaman ko na mas nakakatakot ang mga nilalang na nabubuhay sa liwanag,

Mas nakakatakot pala ang kung anong nagtatago sa maaliwalas na mga ngiti,

Sa mga nakakasilaw na mga mata,

Mas nakakatakot manstsahan ang damit na kulay puti kumpara sa ibang mga kulay,

Naisip ko ito habang tinitignan ang sangkalupaan mula sa rurok ng bundok,

Kita ko ang mga nagkikislapang mga ilaw ng siyudad,

At napag alaman ko na mas makulay ang mundo sa pag yakap ng dilim,

Mapayapa ang buong paligid."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon