"Nag lakbay tayo gamit ang isang bisekleta,
Inaliw ang mata sa mga magagandang tanawin na nakikita,Nasilaw ako sa sinag ng araw,
ngunit mas nasilaw ako sa mga mata mo,
Mapayapa ang buong kalupaan,
Ngunit mas nakaramdam ako ng kapayapaan sa mga ngiti mo,
Nakaka aliw pakinggan ang mga huni ng ibon sa paligid,
Ngunit mas masarap pakinggan ang mga salita na lumalabas sa bibig mo,
Masarap ang pagyakap ng malamig na hangin sa buong katawan ko,
Ngunit mas gusto kong makaramdam ng init sa mga yakap mo,
Dito nakaramdam ako ng kalayaan,
Ngunit mas gusto kong mabilanggo sa tabi mo,
Ka'y ganda ng paligid,
Ngunit ang mga mata ko ay sayo parin nakatitig,
Na para bang ikaw lang ang nakikita,
Ikaw lang ang gusto kong makita,Sa isang bisekleta,
Naaliw tayo sa magagandang tanawin na ating nakita,
Ngunit lingid sa kaalaman mo,
Ikaw ang pinaka magandang tanawin na nakita ko."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...