Takpan man ang buong katawan ng kumot,
May mga mata pa rin na tatagos sa kapal ng iyong kasuotan,
Na kahit hindi na maglagay ng kolurete sa mukha,
May mga labi pa ring magpupumilit na lumapit,
At kahit pa dungisan man ang buo mong katawan,
May mga dila pa rin na sabik na maglinis nito,
Walang mali sa kurba ng katawan at iksi ng pananamit,
Sa paraan ng paglalakad,
Nasa impluwensya man ng bisyo o wala,
Sadyang may mga mabababang nilalang na tuyo ang ugat sa utak at hitik ang ari sa libog,
Silang mga demonyo na hindi musika sa tenga ang kanilang pag-sipol,
Dahil ito ay umaalingawngaw tuwing gabi na bubulahaw sa pag-dating ng iyong antok,
Mga papuring nagtatanggal ng puri,
Mga tingin na nagpaparamdam ng higpit ng kanilang pag-hawak sa iyong katawan,
Bakit pa ba sa biktima ito isinisisi?
Dahil ba sa damit na tinuturing na kawalan ng respeto sa sarili?
Bakit?
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...