Palad

39 3 2
                                    



"Laging naglalaro sa aking isipan ang hiwaga ng mga linya sa aking palad,

Sabi nila dito mo malalaman kung ano ang mangyayari sayo sa hinaharap,

Ang relasyon mo sa iyong pamilya't kaibigan,

Maski ang iyong kalusugan ay paniguradong mahuhulaan,

Kaya't nahuhumaling ako kapag may mga taong marunong mag basa nito,

Naging suki sa Quiapo, at ang tangi nilang sinasabi sa akin ay magiging maganda raw ang aking kapalaran,

Kaya't kahit na alam kong sing babaw lamang ng baso ang iyong pansalo kapag binuhos ko lahat ang pagmamahal ko,

Sumugal pa rin ako sayo,

Tumaya na kahit na walang matira sa akin ay ayos lang  basta't mapanatili ka lang buo,

Na kahit ilang gabing hindi makatulog kakaisip na marapat na itigil na,

At isang araw lamang na kasama ka ay handa na muling mag aksaya ng tulog,

Nakakatawa dahil naaaliw pa rin ako sa hiwaga ng mga linya sa aking palad,

Nakakatawa na ilang manghuhula ang nag sabing magiging maganda ang aking hinaharap ngunit ngayon ay gusto ko ng tumalikod,

Siguro nga tama sila,

Siguro nga maganda ang aking hinaharap ngunit noong nagkahawak ang ating mga kamay ay nagbago ang hugis ng aking palad."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon