Ang nawawala at ang nagwawala

40 3 0
                                    


"Hinahanap ko ang matagal na nang bubugbog saakin,
Nakita mo ba sya?
May buhok sya na katulad saakin,
Madalas nya'ng puntahan ang mga lugar na gusto kong tahakin,
Parehas lang din kami ng tangkad,
Parehas man pero iba kami ng hangad,
Hangad kong abutin ang buwan,
Hangad nyang sirain ito,
Kayat kung uunahan ko sya baka may pag asa pa ako,
Nakita mo din ba ang kanyang mga mata na sing talim din ng aking titig,
Mga mata na puno ng pighati at pagsisisi,
Siguro'y maiintindihan mo naman kung bakit gusto ko syang patayin,
Matagal ng mabigat pero mas lalo nyang pinapabigat ang aking mga pasanin,
Teka, nakita mo din ba ang mga sugat nya na katulad din na nasa katawan ko?
Nakita mo din ba kung paano basagin ng kanyang puso ang matitigas na bato?
Siguro'y dati pa lamang binubugbog na sya ng mundo,
Dati pa lamang ay inaapi na sya nito,
Pinapahirapan,
Ginugulo,
Gusto ko din namang unawin ang sitwasyon nya,
Pero hindi ko na makayanan ang mga pananakit nya,
Gusto ko syang makita,
Gusto ko syang makilala,
Gusto ko lang malaman kung saan nagmumula ang kadiliman na nasa kanyang puso,
Nakita mo ba sya?
Titig ng pagtataka ang natanggap ko sa mga taong pinag tatanungan ko,
Nais ko lang naman hanapin ang sarili ko."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon