"Nakakatawang isipin na sila mismo ang nag sabi na walang kalimutan,
Pero mas nakakatawa na wala na sila ngayon,
Nakakatawang isipin ang mga panahong naglalaro kayo ng mataya-taya sa ilalim ng galit na araw,
Pero mas nakakatawa na sa pag lingon mo ay wala na sila,
Nakakatawang isipin na sila ang dahilan kung bakit nakaahon ka sa depresyon,
Pero mas nakakatawang sila muli ang dahilan kung bakit ka lumubog pabalik dito,
Nakakatawang sinisisi mo ang pagtakbo ng panahon kung bakit nasasaktan ka ngayon,
Pero mas nakakatawang hindi mo sinulit ang mga araw na kasama sila."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...