Para sayo, Luna.

9 0 0
                                    

Nais mong marating ang rurok ng bundok,
Makita ang kapatagan,
Mapalapit sa mga tala at buwan,
Nais mong akyatin ito upang malaman ang hangganan nito,
Ang hangganan mo,
Habang ako,
Nais kong sisirin ang dagat,
Kung gaano ito kalalim,
Maramdaman ang tubig sa katawan,
Nais kong malaman ang hangganan nito,
Ang hanggang ko,
Kaya sa paglalakbay nating dalawa,
Nag krus ang ating landas,
Ika'y aakyat sa bundok,
Ako'y bababa sa dalampasigan,
Ngunit masyadong malamig ang gabi,
Masyadong madilim ang paligid,
Kaya't tayo'y nag siga,
Upang makakita ng liwanag,
Upang paiinitin ang katawan,
Sinabayan natin ang pagkanta ng kuliglig at palaka,
Sumabay sa pag sayaw ng mga dahon at damo,
At dito, umusbong ang alaala,
Nalasing sa kwentuhan,
Napagod sa tawanan,
Tulad ng buwan na matutulog sa dulo ng karagatan,
Tulad ng araw na gigising sa kabundukan,
Lahat ng bagay ay mayroong hangganan,
Nagising,
At agarang umalis,
Lumingon sa iyong pag-alis,
Maraming salamat sa alaala.


Baka itinakda lamang talaga tayo ng tadhana na maging manlalakbay na nahanap ang tahanan sa piling ng isa't isa,




Maraming salamat sinta.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon