"Darating at darating ang araw na mawawala ang lahat ng akala,
Masasagad ang pasensya at mauubos ang mga patawad,
Isang lubid ang mapipigtal na aalingawngaw sayong isipan,
Mawawala ang mga pinaghirapan,
Babalik ang pungay sa mga mata,
Ngunit ng makita ang iyong mukha,
Marinig ang iyong boses at mahawakan ang yong mga kamay,
Nais kong sumugal ulit,
Hahanapin ang mga akala,
Sasagarin pa lalo ang pasensya at pupulutin at iipunin ang mga natapong patawad,
Ikaw lang ang hinahangad,
Uulit at uulit hanggang sa pagtanda,
Dahil ikaw ang nais kong makasama,
Igugol ko ang mga mag dadaang umaga na ikaw ang unang nakikita."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...