"Bago pa man gumising ang araw sa bundok at matulog ang buwan sa dagat,
tanging kadiliman lang ang kilala ng mga mata,
Ngunit sa gitna ng kawalan at kalungkutang nadarama,
nahanap ng kamay ko ang iyong braso,
agad kitang niyakap,
Kinilala ng kamay ang bawat sulok ng iyong katawan,
Narinig ng tenga ang boses mong nakakahumaling at sa pamamagitan ng halik nalasahan ko ang tamis ng iyong labi,
Nagyakap ang ating katawan at dito umusbong ang apoy ng na nasaking dibdib,
at sa unang pagkakataon nakita ko kung paano ka tumakas sa aking bisig,
takot kang mapaso dala ng pagmamahal ko sayo,
takot ka,
at sa muling pagkakataon dumilim muli ang paligid."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...