Regalo

34 4 0
                                    


Mayroon akong regalo, 

Hindi ito yung bagay na mamahalin, 

Hindi ito yung bagay na iniiyakan mo kapag hindi nabili ng nanay mo o yung bagay na gusto mong makuha tuwing pasko, 

Mayroon akong regalo, 

Hindi ito yung bagay na maipag mamayabang mo sa harap ng maraming tao, 

Di ako sigurado,

 Pero maari mo itong ikahiya, 

Dahil hindi naman ito ganoon ka espesyal, 

Hindi ito ganoon kaganda, 

Pero pangako, 

Gagawin ka nitong masaya,

Mayroon akong regalo, 

Hindi ito yung bagay na ikatutuwa mo araw araw,

Dahil maari ka nitong saktan,

Maari kang bigyan ng problema, 

Maaring minsan ay nakakahiya itong kasama, 

At minsan maari ka nitong ipahiya, 

Pero pangako, 

Gagawin ka nitong maligaya, 

 Hindi ito unan pero maari mo itong iyakan pag ang mundo ay masyado ka nang sinaktan, 

Hindi ito pulis, 

Pero maari ka nitong protektahan, 

Hindi ito gamot, 

Pero maari nitong pagalingin ang sugat na dinulot ng problema na iyong pasan pasan, 

 At nag sasalita ito, 

Hilig nitong sabihin ang salitang maganda ka oras oras at kada segundo, 

 Sa pagdilat ng mga mata mo,

 "Maganda ka.", 

Kapag kumakain ka, 

"Maganda ka.",

Sa pag tulog mo, 

"Maganda ka.", 

Kapag wala kang ligo at ayos sa katawan,

 "Maganda ka.", 

Kapag pakiramdam mo ay walang maganda sayo, 

"Maganda ka.", 

 Oo alam ko, nakakairita, 

Pero sana tanggapin mo ang munti kong regalo para sayo, 

 Pero paalala lang, 

Hindi ito laruan, 

Hindi ito yung bagay na kukunin mo lang pag wala kang magawa, 

At itatapon mo na lang sa tabi pag sawa ka na, 

Pakiusap lang wag mo itong paglaruan, 

Dahil napapagod din ito, nasasaktan,

Kailangan din nitong alagaan, pahalagahan, 

Kailangang mahalin at ingatan,

Kahit na hindi ito ganoon ka ganda't espesyal, 

Kaya sana tanggapin mo ang regalong ibibigay ko sayo, 

Ibibigay ko sayo ang sarili ko

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon