Ang iyong pag dating

16 1 0
                                    


"Gabing hindi makatulog pagkat alam kong darating ka,
Tuwing alas dose ng madaling araw tiyak dilat parin ang mga mata,
Dahil alam kong darating ka,
Inihanda ang kama,
Nag linis ng sala,
Inayos ang maduming bahagi ng bahay para hindi mapahiya,
Tinanggal ang masangsang na amoy sa madumi kong kwarto,
Nilinis ang sahig ng banyo,
Naghanap ng pelikulang mapapanood,
Para sa pag dating mo ay hindi ka naman mabagot,
Nagluto ng makakain,
Nag sipilyo ng ngipin,
Sa pagtapos kong maligo ay narinig na ang katok sa pinto,
Ala una ng umaga,
Andyan ka na at ang oras ay huminto,
Naupo sa lumang sofa at inihanda na ang makakain,
Ingay ng ating kwentuhan ang kumalat sa buong paligid,
Alas tres ng madaling araw at alam ko ng malapit ng matapos,
Sa salamin,
Nag aayos ka mag isa,
Iniisip kung ang pagkakataong ito ay mauulit ba,
Natauhan na lang ang sarili ng humarap ako sa salamin,
Ako lang mag isa,
Sa aking isip doon lang pala kita magdamag nakasama."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon