"Ito ay para sa pag-ibig,
Natagpuan mo akong aligagang hinahanap ang sarili ko,
Sinamahan noong ako lang mag-isa,
Tinutulungan kahit na kaya ko na,
Ito ay para sa pag-ibig,
Na nanatiling buo kahit na ako ang nagkulang,
Wala'ng sing haba ang pasensya,
Ito ay para sa pag-ibig,
Salamat sa paniniwala sa akin,
Sa pakikinig tungkol sa kwento ko sa maghapon,
At sa mga reklamo ko tungkol sa buhay,
Ito ay para sa pag-ibig,
Na pinili ko dati na layuan,
Salamat sa pag hihintay,
Maraming salamat pag-ibig dahil naramdaman kita."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoesiaMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...