Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Ang bisita sa madaling araw

37 2 0
                                        




Bumabalik na naman ang nararamdaman na animo'y isang suwail na bisita,

Maglalakad sa bagong walis na sahig,

Hahawakan ang bagong punas na salamin at iiwan ang pinaginuman na baso,

Hinahayaan ko na lamang ito,

Sanay na sa gulo dahil alam ko naman na darating ang oras na aalis sya,

Aayusin muli ang kanyang pinagkalatan,

Umaasa na babalik at muling mang gugulo,

Ito ang nararamdaman bago matulog,

Nakatitig sa kawalan at maiisip ka,

Ang alaala,

Masaya man o malungkot,

Ang unang pagkakakilala,

At ang huling pagsasama,

Nakakapagod ang mag linis ng isip matapos ang magdamag na kakaisip sayo,

Satin,

Nalulong na nga ba talaga ko sa pagmamahal sayo?

O sadyang nalulong ako sa sakit na dinulot nito,

Pakiusap, gusto ko ng mapayapang tulog.

HIRAYAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon