Bakit ba sa mas nanaig ang pagpupuyat ng puso kaysa sa kagustuhan ng utak na matulog,
Dahil ito ako ngayon,
Iniisip kung bakit ako nahuhumaling sa walang kasiguraduhan,
Dahil iniibig kita,
Hindi pa ba sapat ang binibigay?
Sapagkat patuloy pa rin akong nangagapa sayo,
Nais kang kilalanin,
Ang tunay mong anyo ay ipakita sa akin,
Dahil hindi ko alam kung ano ba talaga,
Kung kulang pa ba?
Sobra na?
O talagang wala kang pag-ibig na maiaalay sa akin,
At kung ang tanong ay katanungan din ang kasagutan,
Isayaw na lang natin ito sa ulap,
Umawit ng hiling kay bathala,
Na kung sa susunod na magkikita tayong muli,
Naway matuto ng umiwas ng tingin sayong ganda,
Sana ay matapos na ang siklo ng araw-araw na panghuhula,
Kaya ngayon,
Sabihin mo,
Kung ako ba ay nagkulang,
Para masimulan kong mapatawad ang sarili,
At sabihin mo,
Kung ang pag-ibig ko ay sumobra ba,
Para mapatawad kita,
Sa hindi mo pag salo,
Ngunit ngayong gabi,
Hinihiling ko,
Na makasama ka,
Dahil masyado ng malungkot ang dinadala ng pag-iisa,
At sa pag-iisip ko sa atin,
Sayo,
Nabubuo muli ang pag-ibig ko,
Nasaan ka ba?
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...