"Isang linggong selebrayson ng iyong kamatayan,
Sa ikaunang araw mga magulang at kaibigan ay nagsasabi ng mga salitang pampabuhay sa patay mong katawan,
Lahat sila ay nagdadalamhati,
Lahat sila ay nag iiyakan,
Unang gabi sa yong lamay,
Gising ang lahat para bantayan ka,
Sa ikalawa,
Pumunta ang nga kamag anak mong galing pa sa malayo,
Karamihan sa kanila ay hindi mo kilala,
Pumunta para makiramay pero ang totoo ay pupunuin lang nila ang kanilang mga pitaka sa baraha,
Ikatlong araw ng iyong paghimbing ay dumating ang iilan mong kaklase,
Mga kaibigan sa paaralan,
Mga kaibigang nakalimutan,
Patay ka na sa unang beses na pag dalaw nila sayo,
Sa ika apat na araw ay tulad rin ng ika lima,
Tuyo na ang mga luha nila,
Nagagawang ngumiti at tumawa,
Sa ika anim ay huling araw na ng iyong pamamalagi,
Ang mga tao ay mas lalo pang dumami,
Mga kaibigan, kamag anak,
Kapit bahay at mga taong hindi mo naman kakilala ang pumunta para sa sugal,
Kape at libreng lugaw,
Sa ika pitong araw,
Nakaputi lahat sila,
May mga lobong lumipad na sa kaarawan mo ay hindi mo naman nakita,
Maraming sasakyan ang nakasunod sayo,
Iniingatan sa huling sandali mo,
Iilang katanungan ang bumabagabag habang tinitignan ang kanilang mga luha,
Bakit noon buhay ka pa hindi nila ito nagawa?
Kailangan pa ba ng kamatayan?
Para makita mo sa mga tao na mahalaga ka?"
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoesíaMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...