Sa bawat panahon

18 1 0
                                    



"Tag lagas noon nung nakita kita sa kulungan na ikaw mismo ang may gawa,
Agad kong inalok ang kamay ko upang sagipin ka,
Sa pagkawala mo sa iyong piitan ay agad kang nasilaw sa liwanag na araw,
Na para bang ngayon ka lang nakakita ng liwanag,
Na para bang ang init na dala nito ay ang matagal mo ng hinahanap,
Hinawi ko ang buhok mo,
At agad kong nakita ang mga sugat pasa't paltos sa katawan mo ngunit makikita naman sa iyong mga mata ang karagatan na may mayapang agos,
Nag pasya tayong mag lakad lakad,
At sa ating paglalakbay ay napansin mo na ang paligid ay wala masyadong buhay dahil miski ang kalangitan ay abo ang kulay,
Dito ay nag simula kang mangamba,
Nakaramdam ka ng lamig at ang apoy na nagmumula sa dibdib ko ay hindi pa pala sapat upang painitin ka,
Agad kang tumakbo pabalik sa piitan mo,
Upang itanim muli ang katawan sa loob ng kulungan,
At ang paglalakbay nating dalawa ay tuluyan ngang naputol,
Hindi mo man lamang hinintay ang ganda ng tag sibol."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon