Namumukod-tangi

51 2 1
                                    



Namumukod tangi ka,

Maihahalintulad kita sa isang umuusbong na bulaklak sa gitna ng siyudad,

Sa lugar na walang kulay,

Ikaw ang syang nagbigay ng buhay,

Namumukod-tangi ka,

Para kang pag akyat ng isang mataas na bundok,

Dahil ikaw ang dahilan,

Kung bakit nakikita ang ganda ng sang kalupaan,

Namumukod-tangi ka,

Maihahalintulad kita sa buwan,

Ikaw ang syang gabay sa pagtahak ng madilim na daan,

Kapag ang mundo ay niyakap na ng kadiliman,

Pero hindi,

Hindi pa sapat ang rason na sinasabi ko,

Basta ang ibig kong sabihin ay namumukod-tangi ka,

Mas maihahalintulad kita,

Sa isang bulaklak na tumubo sa magulong siyudad,

Madalas kang hindi pansinin at tinatapakan ng iba,

Dahil masyado silang abala para makita ang iyong ganda,

Namumukod-tangi ka,

Para kang pag akyat sa rurok ang isang mataas na bundok,

Madalas na takot ang mga tao na akyatin ka dahil di nila kayang hamakin ang mapanganib na 

daan patungo sayo, 

Madalas ka nilang sukuan, 

Madalas na ayawan,

Dahil hindi nila alam ang kasiyahan na maibibigay mo pag narating ang tuktok mo, 

Para kang buwan, 

Madalas isipin na isa ka lamang bato na lumulutang sa kalangitan, 

Simbolo na tapos na ang araw at kailangan ng magpahinga, 

Pero hindi alam ng iba,

Na ikaw ang dahilan kung bakit hindi ganoon kadilim abg gabi na dumadaan, 

Ikaw ang simbolo ng pag asa, 

Pag ang mundo ay pagod nang umikot, 

Namumukod-tangi ka,

Namumukod-tangi ka,

At napamahal ako sayo dahil namumukod tangi ka sa iba,

Hayaan mo akong pitasin ka,

Sa mapanganib na lugar na kinalalagyan mo,

Hayaan mo aong akyatin ka, kahit na mahirap ang daan patungo sayo, 

Hayaan mo akong titigan ka, kapag ang mundo ay kailangan ng matulog at pagod ng tingalain ka,

Dahil mahirap nang humanap ng tulad mo, 

Dahil namumukod-tangi ka.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon