Pag-uulit.

29 1 0
                                    



"May nakapag sabi sa akin na kapag inulit mo raw ang isang bagay ay mawawalan ito ng kahulugan,
Halimbawa, ang unang beses na makaramdam ka ng kapayapaan habang tinititigan ang pag lubog ng araw at kapag ito ay iyong inulit,
Ng inulit,
Ng inulit,
Ng inulit ay balang araw magiging isa na lamang itong normal na ala sais,
Na balang araw hindi na mararamdaman ng katawan ang masarap na init na dala nito,
Hindi na mahihikayat ang mga mata upang tumingala sa kahel na langit,
Hilig kong ulit-ulitin ang kanta na pumukaw sa aking tenga,
Inulit ko ito ng inulit,
Ng inulit,
Ng inulit,
At dumating ang araw na hindi na ako napapasayaw nito,
Nawala ang pagkaligalig tuwing mapapakinggan ko ito sa kung saan,
Kasi hilig kong ulit-ulitin ang isang bagay kaya't inulit-ulit kong tignan ka,
Nakakapag taka dahil sa araw-araw na pag nakaw ko ng sulyap sayo,
Hindi nawawala ang pagkasabik,
Noong niligawan kita at paulit-ulit kang nakakasama,
Nakakapag taka dahil kahit na paulit ulit ang hatid-sundo sayo,
Hindi nawawala ang saya tuwing ako na ang mag isang umuuwi,
Paulit-ulit kang iniisip tuwing gabi ngunit nakakapag taka na hindi nawawala ang ngiti,
Hindi nawawala ang pagkasabik na matulog ng maaga dahil bukas ay makikita na naman kita,
Bukas ay makikita na kita,
Ngunit dumating ang araw na bigla ka na lang nawala,
Sinabi mo na mali ang kung ano man ang meron tayo,
Ngunit paano ito naging mali kung sa paulit-ulit na ginagawa ko sayo ay hindi ito nawawalan ng kahulugan,
At dumating ang araw na hindi na naulit ang pagnakaw ng sulyap sayo kaya nawala na ang pagkasabik tuwing tinitignan ka,
Hindi na naulit ang hatid-sundo kaya't nasanay ng diretso ang tingin tuwing umuuwing mag-isa,
Naging normal na ang mga bawat gabi,
Bumalik sa pagsama sa puyat habang tinititigan ang buwan,
Nalulong sa yakap ng pag iisa,
At kung dumating man ang araw na bumalik ang mga paa mo palapit muli sakin,
Hindi ako mag aalinlangang sumugal ulit at muli natin itong ulitin."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon